Chapter 13.2: Three’s A Crowd
May sasabihin lang ako.
First of all, I’m very sorry kung hindi ko nai-deliver nang maayos ‘tong chapter na ‘to. Hindi talaga ‘to ang original plan ko. Mas nagfocus ako sa reactions after ng dinner rather than during kasi I think mas importante yon. Alam ko ring maraming nag-eexpect sa inyo ng mala- #TLWMasarapBa or #TLWRoyalRumble. Sorry (again) dahil never kong naimagine na pupunta sa ganung direction ang chapter na ‘to.
So.. yun lang. Baka i-edit ko pa ‘to. I don’t know when, lalo na yung middle part. I’d like to keep this short and straightforward para mas masaya.
Let’s do this.
xxx
He was the last person she wanted to see that day.
Perfect dapat ang araw na ‘to para sa kanya. Everything’s planned: dinner with family and friends, introduce Seth and hopefully magugustuhan nila without any probing (this is impossible, sa mga ate pa lang niya), a little talk and.. that’s it. Yun lang gusto niya sa birthday niya ngayong gabi.
There’s a flaw in every design, natandaan niyang sinabi sa kanya ni Seth ‘to dati habang nanonood sila ng isang basketball game. He uttered it out of the blue, not sure kung para sa kanya ba talaga ito o random ramble lang. Somehow tinamaan siya ng mga salitang ‘to, katulad ngayon.
The flaw is staring straight right at them.
Hanggang ngayon hindi pa rin niya mabasa ang facial expression ni Cyrus kahit ilang taon na niya ‘tong kilala. He was just staring. Hindi niya alam kung anong naglalaro sa isip nito. Pagod na siyang hulaan kung anuman yon. Nadala na siya sa pag-aassume pagdating kay Cyrus.
She felt something warm on her hand. Doon lang niya narealize na hawak niya ang kamay ni Seth. Bibitawan na niya sana ito nang mas higpitan pa ni Seth ang pagkakahawak.
Shit. This isn’t supposed to happen.
Dread coursed all over her body. Ano kayang iniisip ni Seth ngayon? Ang tanging reaction lang na nakuha niya ay yung paghigpit ng hawak sa kanya. Seth’s face was impassive. Thank god hindi siya nakatitig kay Cyrus.
“Tara Cyrus,” she heard her sister spoke again. “Birthday ni Barbs. Join us!”
She wanted to scream Cielo tangina naman pwede bang wag kang makialam? Kung gusto ko siya rito e di sana kanina pa siya nasa loob diba? He’s not invited for crissakes. He can’t ruin this day for me again.
Kung matapang-tapang pa siya katulad nung high school malamang ginawa na niya yon. Kaso birthday niya, ayaw niyang mabadtrip. Pag sinigawan niya si Cyrus mauungkat na naman ang nangyari last year noong Halloween Ball. Gasgas na sa utak niya ang scene na yon, umay na siya.
So she chose to shut up.
“Uh.. sorry pero hindi po ako pwede,” sagot ni Cyrus kay Cielo. Barbs was surprised, he sounded so casual and calm. The old Casabueno’s back.
“Ay? Bakit? Okay lang naman kay Ba—“
“Kakarating lang sa bahay ng mga ate ko. We haven’t seen each other for months. Family night.” Tinaas pa nito ang plastic ng pinamili niya sa mini mart: puro chichirya at sachets ng iced tea.
Bakas sa mukha ni Cielo ang panghihinayang. “What? Saglit lang na—”
“Cielo,” Barbs finally called out. Himalang may boses pa siya. “We can’t force him to stay.” She tried to catch Cyrus’ gaze but he looked away instantly. Oh well. Bahala ka dyan.
BINABASA MO ANG
This Might End Up A Story
Novela Juvenil[IF I FALL SEQUEL] Hindi lahat ng sequel, maganda.