Chapter 10: Trouble With You
Happy 1st, This Might End Up A Story!
Talagang ipopost ko 'tong chapter na 'to bago ang meetup sa Saturday. Mahirap para sa'kin ang i-type 'to for some reason :)
Continuation 'to ng last scene ng Chapter 9 (High Hopes).
Chapter title came from a Dave Matthews Band song.
Warning: angst ahead!
***
Hindi pa rin makalma ang kaluluwa at utak ni Barbs dahil sa final exam nila sa Math 2. Pasado naman ang midterms at prefinal exam niya kaso required ang pagkuha ng finals para sa subject. Imbes na chill na lang siya sa birth month niya, nagkaron pa siya ng extra pahirap. Ngayon lang niya hindi ginustong maging finalist.
And oh, she saw Cyrus earlier. No big deal.
Himala ngang hindi niya sinigawan si Cyrus. Himalang kalmado niyang kinausap ito. Kasalanan yon ng pang-doctorate exam ng prof nila, saglit niyang nakalimutan ang atraso sa kanya ni Cyrus.
Talking to him wasn't too bad at all. In fact.. she was relieved. That was the surprising part. Parang.. gumaan na kasi ang aura ng lalaki ngayon. Dati, isang tingin lang niya rito bwisit na siya dahil sa depressing at whiny aura nito. Yun ang dahilan kung bakit sinisinghalan niya ang lalaki. But earlier.. he's was just.. him. The calm and collected Cyrus Casabueno she met a year ago.
She missed that side of him. Akala niya sobrang nawasak niya si Cyrus six months ago, to the point na wala itong babalikan. Apparently, she's wrong.
At last, took him long enough to regain his senses.
Nagmamadali siyang umalis ng Math building para i-meet si Zade sa Cafe Feliz. May kailangan silang ipasang final paper bukas (7am), na hindi pa nila natatapos ni Zade. Her partner insisted na thru e-mail na lang sila mag-usap para hindi hassle sa finals week. Kung months ago 'to nangyari agad papayag si Barbs na sa e-mail na lang. Pero ngayon? Okay lang sa kanya na makasama si Zade. Natutunan din niyang labanan ang nakakairitang boses na nagsasabing Tinotorture mo lang ang sarili mo, Barbara. You can't bring back the dead.
Ayaw na ayaw niyang naglalakad pag umuulan. Hindi kasi dinadaanan ng jeep ang street ng Cafe Feliz. She had to walk three blocks from the jeepney stop para marating ang favorite hangout place niya sa campus. Nagtsinelas pa siya ngayon, kating-kati ang mga paa niya sa putik.
xxx
Ngeweeek ngeweeeek ngewweeekk... ang tsimosa naming kapitbahaaaay!
Agad niyang kinuha ang cellphone mula sa satchel niya. Kanina pa niya hinihintay ang tawag na 'to. "What?"
"Whoa easy there. Kakatapos lang ng exam mo, right?"
BINABASA MO ANG
This Might End Up A Story
Teen Fiction[IF I FALL SEQUEL] Hindi lahat ng sequel, maganda.