[14.2] I Will Follow You Into The Dark

62.2K 1.9K 932
                                    

Chapter 14.2: I Will Follow You Into The Dark

Masyadong naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari para sa kanya. One minute ay nakita niyang napaluhod si Seth sa harapan niya, umiiyak. Tapos lumuhod din siya at niyakap ito. Maya-maya nasa loob na sila ng sasakyan nito at nagdrive pa kung saan.

At ngayon, nasa sementeryo na silang dalawa.

Barbs always hated cemeteries. Mahilig siyang manood ng horror movies, hindi siya takot sa mga multo pero may something sa mga sementeryo na kinakatakutan niya. Sa probinsya kasi nila medyo nakakatakot tingnan ang mga puntod, nangingitim na ang karamihan dahil sa kalumaan, at may ilan ding halos matakpan na ng lumot ang mga pangalan. Isa sa pinakakinatakutan niya ay ang puntod na may malaking krus na nakatirik sa itaas ng lapida nito. Lagi niyang iniiwasan dati ang krus na yon kapag bumibisita sila sa puntod ng lolo nila. Ilang gabi rin niyang napanaginipan ang krus na yon, na hanggang ngayon hinuhulaan pa rin niya kung anong gustong iparating sa kanya non.

Then.. Vicky died. It became a different ballgame for her.

Hindi niya matanggap na pinagbawalan siya ng mga kamag-anak niya na pumunta sa libing ng pinsan niya. Pinaiwan lang siya sa bahay nina Vicky at sinabihang wag sumunod sa sementeryo. Gustung-gusto niyang pumunta kaso natakot siya sa mga tito at tita niya. Nagkulong na lang siya sa kwarto ni Vicky at doon umiyak nang umiyak.

Kinabukasan, tinanong siya ng dadad niya bago sila bumalik ng Manila kung gusto niyang dumaan at tingnan man lang ang puntod ni Vicky. She said no.

Never na niyang inasam na makita ang puntod ni Vicky. Kasi pag nangyari yon, mas lalong tatatak sa kanya ang nangyari sa pinsan.

Na hindi na ito kailanman babalik.

xxx

Parehas silang tulala ni Seth sa loob ng sasakyan. Halos thirty minutes silang walang imikan. Seth stopped crying, na lalong nagpakaba kay Barbs. Hindi niya mahulaan kung anong iniisip nito ngayon. He looked so.. sad. More than sad. You can see loss in his eyes.

Pasimple niyang tiningnan ang oras sa cellphone niya. 7:15 PM. Halos isang oras din pala ang layo ng sementeryong ‘to mula sa Quezon City. Ni hindi nga niya napansin kung nasaang lugar sila ngayon. Blangko ang utak niya sa buong biyahe.

Tumaas ang mga balahibo sa batok niya nang matanaw niya mula sa kinauupuan niya ang hilera ng mga puntod. Halos limang taon niyang iniwasang pumunta sa lugar na ‘to. Pinangako niya sa sarili na sa libing lang ng immediate family niya siya babalik sa lugar na kinakatakutan niya.

Pero eto siya ngayon, kasama si Seth sa sementeryo. Wala siyang kaalam-alam sa mga pwedeng mangyari.

Maiintindihan naman siguro ni Seth na takot siya sa sementeryo at baka pwede na silang umuwi. Friday ngayon at alam ng mama niya na uuwi siya nang maaga. May takot naman siguro si Seth sa mama niya, di ba? Pwede niyang gamiting excuse yon.

Iniisip pa lang niya ang sasabihin niyang excuse nang biglang binuksan ni Seth ang pintuan sa side nito at lumabas ng kotse. Barbs froze. Anong gagawin niya, magpapaiwan sa sasakyan nang mag-isa o susundan si Seth?

She chose the latter. Baka mamaya may biglang kumalabit sa kanya sa backseat.

xxx

Ilang minuto rin niyang tinitigan ang lapidang nasa harapan nilang dalawa.

 

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon