[17.3] Photograph

60.3K 1.5K 1K
                                    

AFTER TEN FUCKING MONTHS!!!!!!!!!!!!!!

Disclaimer: this isn't my best. May kailangan lang akong ilabas na feels kaya 'to ganito. Babawi ako sa mga susunod na chapters, promise. Mas magaan na kasi ang mga susunod. Seryoso ako dyan.

Chapter title and certain parts of this update were inspired by Ed Sheeran's song, Photograph.

Maraming salamat sa paghihintay, guys. Hindi ko alam kung bakit nagtitiyaga kayong maghintay sa updates ko kahit minsan wala nang sense at nasasaktan kayo. Maraming salamat talaga. I'll do better next time. Para sa inyo.

PS: Belated happy birthday, Bee! :)


**

TMEUAS Chapter 17.3: Photograph

CHRISTMAS WEEK

Nagsisisi na ako na kinaibigan ko si Scheherazade Pascual. Nagsisisi na ako na kinaibigan ko si Scheherazade Pascual.

Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ni Barbs sa sarili habang pinapanood niyang matulog si Zade sa tabi niya. Kanina nga china-chant na niya 'yon para mainis si Zade sa kanya, kaso walang epekto. Tinawanan lang siya nito, sabay sabing Ano ka ba, Barbs! Paskong-Pasko o! Don't be such a Grinch!

Eh default ko naman ang pagiging Grinch ah! Kahit hindi Pasko! Ba't ba kasi tayo pupunta dun?

Don't you think it's the right time, Barbs? To finally face her?

Natigilan siya don. Ngiting tagumpay naman ang kasama niya at bumalik sa pagtulog. Pinagplanuhan kaagad niya kung paano siya tatalon mula sa bus na 'to sa paraang hindi niya ikakamatay, pero after minutes of contemplating, wala siyang naisip na sagot.

A small part of her regretted na sinabi niya kay Zade ang tungkol kay Vicky. Kelan pa naging madali sakanya na sabihin ang sikreto niya (ng pamilya niya) sa ibang tao? Sa best friend at kabarkada nga hindi niya masabi. Pero sa tatlong tao.. bakit ang dali lang?

Kina Cyrus, Seth at Zade.. bakit madali?

Ah. Because she trusts/ed them.

(The three of them earned her golden trust. She never thought na dadating ang panahon na may mga tao siyang pagbibigyan non.)

Just leave everything to me, a'right? Ako na ang bahala, sabi sa kanya ni Zade last week, nung nagdadramahan sila sa ulan. She wanted to say no because shit, no one could help her. Vicky's dead. Anong magagawa ni Zade? May kamag-anak ba itong mangkukulam o faith healer na kayang buhayin ang isang taong limang taon nang patay?

Tinawanan lang niya si Zade nung sinabi nito ang plano (foolproof plan daw) sa kanya.

Halfhearted nga ang pagpayag niya sa trip ni Zade ngayon. Gusto lang niyang tumigil ang kaibigan sa kakulitan niya. Ayaw na niyang makita pa ang Annoying Zade mode nito.. ever.

You may not agree with me, Barbs, sabi ni Zade sa kanya kagabi sa phone, pero this is the only way na naisip ko para malet go mo na si Vicky.

Gusto niyang maniwala. Madali lang naman ang gagawin nila eh. She'll just face her biggest fear in life.

Yeah right, as if ganun kadali 'yon.

What if.. hindi rin effective, Zades? Mag-aaksaya lang tayo sa pamasahe!

Maaksaya ba 'yon kung makikita mo siya, Barbs? You think?

Ayaw talaga niya na napapatameme siya ni Zade. Nawawalan siya ng poise at kaastigan. (Ganoon din siguro ang gagawin sa kanya ni Vicky kung buhay ito ngayon, with matching kurot pa sa singit or isang pekpek massage.)

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon