TMEUAS Chapter 17.1: I Have Loved You Wrong
She badly needed someone to talk to right now.
Usually, ang best friend niyang si Rocky ang una niyang pinupuntahan kapag may problema o simpleng drama siya sa buhay. Isang tricyle lang naman ang layo ng bahay nina Rocky at never naman siyang tinanggihan nito (except nung dark days nila noong first and second year high school). Madali lang niyang nareresolve ang mga problema kapag kasama niya ang best friend; magaling kasi magbigay si Rocky ng advice at kilalang-kilala siya nito. Her best friend is (and will always be) her comfort zone kahit nandyan si Chester sa tabi niya. Para sa kanya, iba pa rin kapag babae ang pinagsasabihan mo ng problema, sure na sure na maiintindihan siya nito.
Pero nung high school yan.
Bihira na silang makapag-usap ni Rocky nang pumasok ito ng college. Halos araw-araw pa silang magkatext at naghahangout every weekend nung first few weeks ng pasukan. Pinangako kasi ni Rocky sa kanya na walang magbabago sa dynamics nilang dalawa. Ano ka ba, bru! You’ll always be my best friend! Kahit may mga lalaki na tayo, hoes before bros pa rin!
Kaso habang tumatagal si Rocky sa LB, mas nababawasan ang communication nilang dalawa. Minsan na lang ito magtext at tumawag, at recently hindi na ito umuuwi sa Muntilupa kapag weekend. She couldn’t blame her best friend, though. Alam niyang entitled itong magkaroon ng mga bagong kaibigan (same goes for her other friends) pero ‘di niya mapigilang mainggit sa kanila. Ayun ang mga kaibigan niya, may bagong buhay at obviously masaya (their Facebook tagged photos says it all), habang siya naman ay mag-isa lang sa bahay, nagpapakabusy sa pagsketch ng wedding gowns (a new hobby; her mom suggested it nung maraming nagcomment na maganda ang gown niya nung debut niya). It was a very solitary confinement, na nadagdagan pa ng drama sa daddy niya. Ang mahirap pa nito, pati si Chester, ang taong ineexpect niyang hindi magbabago ang pakitungo sa kanya, ang kaaway niya ngayon.
At sa mga ganitong panahon, si Lean ang pinupuntahan niya.
Nadevelop ang friendship nila since nagsimulang magcollege ang barkada. Ang Skype kamustahan chats once a week ay nauwi sa halos araw-araw na chats sa Facebook. Buti na lang at mahilig siyang magpuyat, lagi niyang naabutang online si Lean. Kung anu-ano ang pinag-uusapan nila, be it ang bagong buhay ni Lean sa California o ang buhay tambay ni Janine.
And also, there’s this.
Janine Kitagawa: Nakakairita na, to be honest :((
Nag-away ulit kami ni Chester this week. Our third one already. Normal lang naman ‘to sa couples diba? Ugh
Si Daddy na naman pinag-awayan namin. Hindi ko na nga binabanggit yun eh. Ayoko na kasing mabadtrip. Nakakapagod din ano! Tapos.. siya tong nagbanggit kanina.
I know na hindi niya sinasadya yun. I mean, ayaw niyang saktan ang quote unquote fragile feelings ko about the issue. BUT SIYA ANG NAGBRING UP NON, HINDI AKO
BINABASA MO ANG
This Might End Up A Story
Teen Fiction[IF I FALL SEQUEL] Hindi lahat ng sequel, maganda.