[19.2] The (Lonely) Hearts Club ii

46K 1.1K 2.1K
                                    

Happy holidays, you guys!

Please don't post any spoilers. If you're on Twitter, please tweet your reactions with #TMEUAS.

This update has been in my drafts for almost eight months now. I'm sorry if this won't live up to your expectations, but hey, at least we have an update ;)

Hindi malungkot ang update na 'to. Promise yan. Kasi napunta ang lahat ng kalungkutan sa 19.3 hahaha. Wag munang magtanong kung kailan ang susunod na update. Surprise na lang ulit.

Enjoy! :)

***

The (Lonely) Hearts Club ii

Thursday. February 14. Valentine's Day

Cyrus went home early that day, much to his Ate Anya's surprise. Bihira na kasi siyang umuwi sa bahay nila sa Muntinlupa since the second semester started. Bukod sa weekly basketball practice, bumigat na ang subjects niya ngayon (*coughs* Physics *coughs*) at mauubusan siya ng oras sa pag-aaral at pahinga kung uuwi pa siya ng Sabado. Laking pasalamat niya at ng buong team nang i-announce ng coach nila na wala silang practice sa Sabado dahil sa week-long university fair at pa-Valentine's treat na rin. Sakto ring dalawa lang ang lecture classes niya kinabukasan kaya hindi na siya nagdalawang isip na umabsent. Pangalawang beses pa lang siyang a-absent sa subjects na 'yon; sayang naman kung hindi niya susulitin ang allowed absences.

Sa kusina siya dumiretso, at doon niya naabutan ang Ate Anya niya na nag-aayos ng groceries.

"Hey, you're really early," Anya exclaimed.. Nilagay muna nito ang isang pack ng bacon sa freezer bago tinuon ang atensyon sa kapatid. "Are you hungry? Sorry, hindi sana ako magluluto tonight since I thought ako lang ang nandito the whole night. You want something?"

He shook his head, smiling. Mukhang hindi siya masasanay sa pagiging domestic ng ate niya. "Hindi lang ako umuwi ng isang buwan tapos marunong ka nang magluto? Wow, progress yan ah."

"I'm just being polite. O, eto. Dinner mo." Hinagis niya kay Cyrus ang isang malaking cup ng instant ramen. "Happy Valentine's Day."

Chuckling to himself, he opened the instant ramen cup and reached for the thermos beside the refrigerator. Napansin lang niya na maligamgam ang tubig no'ng tatakpan niya ulit ang cup. He was too tired, too hungry to boil some water kaya pinabayaan na lang niya ito.

Isipin mo na lang na Nooda Crunch na medyo basa, he thought.

"Parokya ni Edgar daw tonight sa Fair ha," he heard Anya said beside him. Tapos na niyang ilagay ang cold cuts sa freezer at akmang bubuksan ang isang lata ng corned tuna. "Himalang wala ka do'n. I thought you're a fan."

Inubos muna niya ang sabaw ng ramen bago sumagot. "Next time na lang. Lagi naman ata silang nasa Fair, eh. Gusto ko lang matulog hanggang bukas."

"Physics or Math 54?" Anya grinned when he groaned. "I know that look. Ganyan din ako dati. You need my help?"

"Kaya ko pa naman. Itutulog ko na lang 'to." He finished off the noodles in two huge slurps, but it wasn't enough to satisfy his hunger. "Teka, ba't andito ka pala, Ate? No date tonight?"

His sister shot him a warning glare. Muntik pang dumulas ang tinidor sa kamay nito. "As if may nag-aya sa 'kin."

"May umaaligid daw sa 'yo sa office ah. Anong nangyari doon?"

It was her turn to groan."Goodness, Rei told you?"

"Yup. Tinext niya ako last week. Lagi ka raw binibigyan ng gyoza pag lunch."

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon