"Alam mo ba na lalo kang gumaganda, Sinta? Sa simple na katulad mo ako'y nahulog na nga. Lahat ay gagawin ko para mapaibig ka, Sinta."
CHAPTER FOUR
CHAMPIONSHIP game.
One last game ni Mika para sa pinakamamahal na alma mater. She's feeling nostalgic all of a sudden as she looked at the screaming crowd in the Araneta Coliseum. Limang taon niyang narinig ang masigabong palakpakan ng mga supporters niya sa tuwing nakakapuntos siya. Ganundin ang nakakabinging mga boos ng mga supporters ng kalaban at ng mga haters niya.
For five years, she took everything in stride. Lahat ng masasakit na salitang ibinato sa kaniya ng kalaban, lahat ng mga maling akusasyon sa kaniya ng mga fans ng kabila, lahat ng paninirang-puri na natanggap niya... she took them all with a grain of salt. Never once did she respond to her bashers. Mas pinili na lang niyang gamitin iyon bilang motivation. Dahil sa kabila ng masasakit na salita ay nangingibabaw pa rin naman ang boses ng pagmamahal ng mga supporters niya at ng school nila.
And now, she will say goodbye to them, hopefully in a winning fashion. Iyon naman ang inilagay niya sa isip niya. Ngayong gabi, kahit tabla ang series, nakakundisyon sa isip niya na mananalo sila. They would take the crown back. She would do everything to make it happen.
Habang isa-isang tinatawag ang mga pangalan nila ng mga teammates niya, mataimtim siyang nanalangin para sa katuparan ng pangarap niya. Thy will be done, she prayed.
It was a shaky start for them, however. Maybe it was their nerves but they've committed error after error. Ang laki na ng lamang ng kalaban nila sa first set kaya't napa-time out si Coach Ramil.
"Ye, wala sa timing ang mga talon mo kaya laging nakakalusot ang mga tira ni Aly, eh," sermon sa kaniya ni Coach.
Tahimik na napayuko na lang siya. She started to doubt herself. Kaya ba niyang depensahan ang karibal niya? Kaya ba nilang manalo ngayon? Kaya niya ba talagang maglaro ng maganda?
"You're not as good as Aly. You will never be."
Those words from her ex suddenly echoed in her head. It's been a year pero hanggang ngayon ay naroon pa rin ang sakit sa puso niya. It's not the fact that he broke up with her and replaced her with her rival that hurts her so much. It's how he said those hurtful words towards her as if their one-year relationship never happened.
"Ye, are you with us?" tanong ni Coach Ramil na pumukaw sa kaniya. Bakas sa boses nito ang iritasyon.
"Y-yes, Coach," sagot niya. She blinked the tears that formed in her eyes upon remembering the past.
Naramdaman niya ang isang tapik sa balikat niya kaya nilingon niya ang may-ari noon.
"Focus, Daks," bulong sa kaniya ng best friend niya sa team na si Ara. "Isipin mo 'yung goal natin. Mahaba pa 'to. We can do this."
Pilit siyang ngumiti at ginantihan ang tapik nito habang pabalik sila sa pwesto. Tama ito, kailangan niyang magfocus sa goal nila.
Isang magandang crosscourt attack ni Ara ang nagdala sa kaniya sa service deck. Agad na namang umingay ang loob ng Araneta Coliseum nang banggitin ang pangalan niya. Naghahalo ang palakpakan at boo sa pandinig niya. She tried to block her mind from all the noise but the words from her ex kept on repeating in her head.
