Chapter Ten

581 16 11
                                    

"'Cause even after all this time
I still wonder
Why I can't move on
Just the way you did so easily"

CHAPTER TEN

"GOOD morning, Mika!"

Napalingon si Mika sa lalakeng bumati sa kaniya.  Agad siyang napangiti nang salubungin ng nakangiting mukha ni Aljun, ang co-captain ng basketball team nila.  Naroon siya sa tapat ng elevator ng sports complex nang humahangos na dumating ito. Maaga pa para sa training ng mga ito kaya naisip niyang marahil ay sa gym ang punta nito na naroon din sa building na iyon.

"Good morning, babyboy," nakangiting bati niya.  Isa ito sa pinakapaborito niyang 'alaga' dahil mabait ito at palagi siyang pinapatawa.  Bukod pa sa matagal niya na rin naman itong kabiruan dahil nga palagi siyang nanonood ng games ng team nito.

"Mika naman, eh.  Hindi na 'ko bata," reklamo nito.

"You look like one pa rin kasi.  Mukha ka pa ring high school," biro niya rito.  Nastuck na kasi ang height nito sa five-seven tapos baby-faced pa ito kaya nagmumukhang totoy.

"Awow.  Nahiya pa siyang diretsuhin na bansot ako," iiling-iling na sabi nito.  "'Yan tayo eh.  Ang ganda-ganda ng bungad ko tapos pambubully lang ang mapapala ko."

"Tampo ka na niyan, 'babyboy'?" pagdidiin niya pa para lalong asarin ito. Mabuti na lang at nandito ito ngayon at hindi siya maiinip maghintay sa napakatagal dumating na elevator.

"'Wag na kasing babyboy, Miks. Hindi nga kita tinatawag na Ate or Miss eh."

"O, siya, sige na nga," pagbibigay niya.

"Pwede naman kasing alisin 'yung 'yboy' eh," hirit nito habang may pinipigilang ngiti sa mga labi.

Napakunot-noo siya dahil hindi niya ito naintindihan. "Ano? 'Di ko na-gets. Pakiulit."

"Sabi ko pwede namang babe--"

"Ang aga-aga pa, lumalandi ka na, Melecio."

Sabay silang napalingon ni Aljun sa nagsalita. Seryosong mukha ni Ricci ang nakita niya. Nakakunot ang noo nito habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.

Ang aga-aga pa, nakasimangot ka na, Mister Sungit, sabi ng isip niya.

Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi talaga lilipas ang araw na hindi siya nito pagsusungitan o sisimangutan.  Pinagpapasensyahan niya na lang ito para hindi sila mag-away.  Sa kanilang dalawa, siya ang inaasahang magpasensya rito dahil sa posisyon niya at edad na rin.

"Panira ka talaga ng diskarte kahit kailan, Cci. Ba't ba ang aga mo?" kakamot-kamot sa ulong tanong ni Aljun.

"Buti na lang nga maaga ako at napigilan ko 'yang mga kalokohan mo," sagot nito.

"Kalokohan agad?  Hindi pwedeng lovelife?" bumaling si Aljun sa kaniya at kumindat kaya napatawa siya.  Maloko talaga ito kahit kailan.

"Lovelife?  Meron ka naman, 'di ba?  May long-time girlfriend ka.  Bakit lumalandi ka pa?" naninitang tanong ni Ricci.

"Wala na.  We broke up last week."

Napasinghap siya sa gulat.  Magsasalita sana siya pero biglang bumukas ang elevator.  Sumakay muna silang tatlo bago niya ito inusisa.

"Seriously, Jun?" tanong niya habang umaandar ang lift papuntang seventh floor kung saan naroon ang volleyball court na sadya niya.

"Yeah," maiksing sagot nito.

Tiningnan niya itong mabuti.  He doesn't look heartbroken naman but maybe may mga lalake lang talaga na magaling magdala ng pain pero deep down inside ay wasak ang pakiramdam nila.

Idol QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon