Chapter Sixteen

860 17 8
                                        

CHAPTER SIXTEEN

NANGHIHINANG napasandal si Mika sa pinto ng banyo. Halo-halo ang pumapasok sa utak niya. Hindi niya alam kung maiiyak siya o matutuwa sa mga pangyayari. She's scared, confused, happy and excited all at the same time. Pero nanatili lang siyang nakatulala sa kawalan habang pinaprocess pa rin ng isip ang natuklasan.

What is she going to do now?  She thought of calling Jessey.  Yes, her best friend can surely help her.

Mabilis siyang nagbihis at lumabas ng banyo para tawagan ang kaibigan. Kasalukuyan na siyang nagdadial ng numero ni Jessey nang maisip na nasa Singapore nga pala ito para sa monthly conference nito.  Hindi niya ito pwedeng abalahin ngayon.

Should she tell Ricci instead?  May karapatan naman itong malaman.  Pero Game One na nga pala bukas.  Baka makasira sa concentration nito ang ipagtatapat niya.

Bahala na, she thought.

She put that small thing in her pocket and got her car keys before heading out of her condo.

----------
TAPOS na ang practice ng basketball team nang makarating si Mika sa school.  Hindi niya na inabutan sa basketball court si Ricci.  Sakto namang naglalakad siya palabas ng court nang magtext ito sa kaniya. Kakausapin lang daw nito si Michelle.

This is it, she thought.  Finally ay magkakaroon na rin ng maayos na label ang relasyon nila ni Ricci.  Ayaw niyang aminin sa sarili pero excited siyang malaman ang resulta ng pag-uusap ng dalawa.  Hinihintay lang niyang maghiwalay ng maayos ang mga ito bago nila harapin ni Ricci ang relasyon nila.  She's giving him time and not pressuring him dahil alam niyang busy ito sa basketball at studies.  Pero ngayon na ito na mismo ang nagsabi na makikipag-usap kay Michelle, she couldn't be happier.  At last she can now stake claim to the man she loves.  Ang hirap kasi ng pakiramdam na para siyang kabit.  Sa wakas ay makakapagsimula silang muli ni Ricci, and this time she's going to make sure it's forever.

Nagpalinga-linga siya sa paligid sa pagbabakasakaling makita ang mga iyon dito.  Malamang ay nandito lang sila dahil alam niyang may klase pa ang mga ito in a few minutes.

Naglalakad siya palabas ng Razon nang matanaw niya ang mga ito na nag-uusap sa gilid.  Lalagpasan na sana niya ang mga ito para bigyan sila ng privacy pero napatigil siya sa reaksiyon ni Michelle.  Tumatawa ito habang may pahampas-hampas pa sa dibdib ni Ricci.  Kitang-kita niya ang lahat ng iyon dahil nakaharap ito sa direksiyon niya.  Si Ricci ang hindi niya makita ang mukha dahil nakatalikod ito.

Sa lahat naman ng hinihiwalayan, si Michelle lang ang mukhang masaya pa...

Bigla tuloy siyang kinabahan.  What if hindi naman pala makikipagbreak si Ricci?  Baka nag-assume lang siya.

Hindi niya na napigil ang sarili at lumapit sa mga ito upang makinig.  She knows it's improper but curiosity got the better of her.  Nagtago siya sa likod ng poste na kinasasandalan ni Ricci.  Malinaw niya na ngayong naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito.

At sa paglapit niyang iyon, nahiling niya na sana pala ay hindi na lang siya nakinig...

"You know I love you, right?" iyon ang narinig niyang tanong ni Ricci rito.

Muntik na siyang mapasinghap ng malakas kung hindi niya lang maagap na natakpan ng dalawang kamay ang bibig.  Those weren't the words she's expecting him to say to Michelle.  Iyon ang mga salitang hinihintay niyang sabihin nito sa kaniya.  Pero napatunayan niya na ngayon na wala naman pala siyang hinihintay dahil kay Michelle lang pala nito gustong sabihin iyon.

Nanginginig ang buong katawan niya sa pagpipigil ng emosyon habang ipinagpatuloy ang pakikinig sa mga ito.

"I know, Cci, and I love you, too.  Kaya nga pinagtiisan ko lahat ng kagaguhan mo eh," narinig niyang sagot ni Michelle.

Idol QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon