"I've been thinking 'bout you lately
Maybe you could save me from this crazy world we live in."CHAPTER THREE
MARAHAS na tinapik ni Mika ang kamay na biglang humilamos sa mukha niya. Seryoso pa naman siyang nanonood sa dalawang taong masayang nag-uusap sa loob ng sports complex. Nakasalampak siya sa wooden floor habang nagpapahinga.
"Puta, ang dumi ng kamay mo, Je! Kadiri ka! Pinadikit mo pa talaga sa lips ko," naiiritang sabi niya habang panay ang punas niya ng towel sa labi niya.
"Pa'nong hindi didikit eh nanghahaba 'yang nguso mo? Easyhan mo lang sa pagseselos, brad," natatawang sabi nito na nakatingin din sa tinitingnan niya kanina. Nilapitan siya ng kaibigan kaipala'y para asarin siya.
Kasalukuyang break mula sa training ang kaniya-kaniyang team nila kaya may oras silang magkwentuhan. Magkashare sa court ang basketball at volleyball team dahil pareho silang may importanteng laro bukas.
"Sino'ng nagseselos?" pagmamaang-maangan niya.
"Ako. Ako ang nagseselos kina Ricci at Cyd," nang-aasar na sagot nito. "Lately ko lang kasi narealize na type ko pala si Ricci. Alam mo na, gwapo, matangkad, magaling magbasketball tapos mabait pa at very gentleman. Nagsisisi nga ako eh. Sana pinayagan ko na siyang manligaw sa 'kin nu'ng nagsabi siya," pabaklang sabi nito na may kasabay pang kumpas ng kamay.
Hindi niya napigilang mapahalakhak sa hitsura nito. "Tangina besh, ang sagwa! Para kang baklang maton, hindi bagay."
"At least I made you laugh," he said with a smug smile on his lips.
"Yeah, you did. Thanks, brad," nakangiting sabi niya at humilig pa sa balikat nito. Grateful siya na kahit topakin siya at matigas ang ulo ay nananatiling kaibigan pa rin ito.
Jeron was one of the few trusted friends who never left her despite all the controversies she's been in. From her highly sensational relationship to viral controversial video to her on-court swag that bashers never appreciated, Jeron stood by her through it all... just like her family, teammates and few other good friends. May mga kaibigan man siyang nawala nu'ng naghiwalay sila ng ex niya, mas marami pa rin naman ang nanatili sa tabi niya gaya ni Jeron.
Naramdaman niya na bahagyang inilayo ni Jeron ang balikat nito kaya napaangat siya sa pagkakahilig dito. Nakataas ang isang kilay na tumingin siya rito.
"Arte besh? Ayaw pasandal?" tanong niya.
Natawa naman ito. "'Wag tayong masyadong clingy, brad. Nakakasakit tayo ng damdamin," biro nito.
"Ano?? 'Di ko gets..."
"Slow naman ni Idol," nang-aasar na sabi nito. "Ayan, palapit na. Bahala kang mag-explain diyan. Ayokong mainvolve sa love triangle, brad."
Magtatanong pa sana siya ngunit naunahan siya ng isang taong nagsalita.
"Break's over, Cap. Let's get back to training sabi ni Coach," sabi ni Ricci na hindi niya napansing nakalapit na pala. Nakakunot ang noo nito na tila naiinis. "Kayo rin, Mika. Training na raw ulit sabi ni Coach Ramil." Walang kangiti-ngiti ang mukha nito, kabaliktaran sa masayang mukha nito kanina habang kausap si Cyd.
Napaismid siya. Kapag siya ang kaharap ay palagi itong nakasimangot pero 'pag si Cyd ay hindi. Muntik niya nang maisatinig iyon sa sobrang inis ngunit mabuti na lang at napigil niya ang sarili kung hindi ay mapapahiya pa siya.
Tinanguan niya na lang ito at iniabot ang kamay kay Jeron para tulungan siyang tumayo. Ngunit bago pa maabot ni Jeron ang kamay niya ay naunahan na ito ni Ricci. He grabbed her hands and pulled her up.