"My life with you means everything,
So I won't give up that easily.
I'll blow it away, blow it away.
Can we make this something good?
'Cause it's all misunderstood.
Well, I'll try to do it right this time around."CHAPTER TWELVE
"YOU told him what???"
Nahugot ni Mika ang earphone dahil sa lakas ng sigaw ng kaibigang si Jessey. Magka-videochat sila nito dahil nasa Singapore ito para dumalo sa conference ng architectural firm nito.
"Grabe naman, bf. Wala na bang ititinis pa 'yang boses mo?" nakasimangot na tanong niya habang ikinakabit ulit ang earphone.
"Che! Magpasalamat ka nga at malayo ako, kung hindi, nakurot na kita sa singit dahil diyan sa katangahan mo," naiiritang sagot nito.
"Katangahan na ba ngayon ang gawin ang tama?" nasabi niya na lang.
Her mind drifted back to that conversation she had with Ricci last week.
----------
"CCI, I'm really, really sorry," simula niya habang hawak ang kamay nito. She desperately wants him to feel her sincerity. Gusto niyang burahin ang lahat ng sama ng loob nito kung pwede lang.
"No, ako dapat ang magsorry sa 'yo, Mika. Hindi ka dapat nada-drag sa problema namin ni Mich," malungkot sa sabi nito.
It pains her to see him this sad. Lalo niyang narealize kung gaano kaswerte si Michelle dahil mahal na mahal ito ni Ricci.
"I will talk to her tomorrow," sabi niya. "She doesn't have anything to be jealous about kasi alam kong faithful ka sa kaniya at isa pa, wala nang t-tayo." Tumikhim siya dahil nagbuckle siya sa huling salita.
"Hindi naman nagkaroon ng 'tayo'."
He said it matter-of-factly pero tumagos ang sakit ng sinabi nito sa kaluluwa niya. Parang tinusok ng malilit na karayom ang puso niya.
They never had a label to what they had pero sa puso niya, alam niyang mutual ang naramdaman nila para sa isa't isa. He loved her, she loved him... heck, she loves him still. She never got the chance to tell him what she felt but she always thought naiparamdam naman niya iyon. Ang sakit palang marinig na para dito, they never had anything.
"Yeah, sabi ko nga," nasabi na lang niya.
Marahan niyang binawi ang kamay at umayos ng upo. Ito naman ay itinutok muli ang atensiyon sa pagmamaneho dahil papasok na sila sa compound ng TV network. The awkward air between them is back. Para silang nagpapakiramdaman dahil walang nagsasalita.
There's so many things she wanted to tell him and she felt that now is the time.
"I'm sorry, Cci," pasimula niya.
"Told you, you shouldn't be the one apologizing."
"No, this isn't because of Michelle. This was for four years ago... August 19, half an hour before midnight," tukoy niya sa eksaktong pangyayari na tumapos ng magandang samahan nila.
Hindi ito agad nagsalita. Pinatay muna nito ang engine dahil nasa parking lot na pala sila. Pagkatapos ay humarap ito sa kaniya.
"Okay, I think we still have a few minutes. Let's talk about August 19 then... what really happened, Mika? Why did you dump me just like that?"
Nasilip niya na naman ang sakit sa mga mata nito. And this time, alam niyang hindi iyon dahil kay Michelle. It was because of her.
Parang gusto niya tuloy maiyak. She remembered how much she cried that night she told him that they should stop seeing each other. She went out with Jessey and their friends pagkatapos nilang mag-usap ni Ricci pero wala siyang ginawa kundi uminom at umiyak. Muntik na siyang dalhin nina Jessey sa hospital dahil nagpass-out siya sa sobrang kalasingan at sama ng loob.