"No matter where you go, you know you're not alone.
I'm only one call away, I'll be there to save the day."CHAPTER FIVE
NAPASIMANGOT si Mika nang sa panglimang beses ay hindi sagutin ng kuya niya ang tawag niya.
Arrrgggghhhh, Kuya Perry please pick up your damn phone! I want to go home, sigaw niya sa isip niya.
She's dead-tired, a bit drunk and so sleepy. All her teammates have gone home at siya na lang ang naiwan sa venue ng party. Hindi siya sumabay sa coaster ng team because she was thinking all along that she brought her car. Sabaw kasi talaga ang utak niya lately. Nawala sa isip niya na nakisabay nga lang pala siya kay Ara papunta sa Araneta Coliseum kanina... well, kahapon to be exact dahil alas dos na ng madaling-araw. Nasa parking lot na siya nang marealize iyon at nakaalis na ang mga taong pwede niyang sabayan pauwi.
Sinubukan niya ulit i-dial ang number ng kuya niya ngunit ring lang iyon ng ring. She couldn't call her Dad dahil umuwi ang buong family niya sa bahay nila sa Bulacan. Ang Ate Aereen niya naman ay nasa Thailand for a vacation with her family. Her only hope was her Kuya Perry pero hindi naman nito sinasagot ang tawag niya.
Nanlulumong napaupo siya sa pavement. Ipinatong niya ang mga braso sa tuhod at parang batang umiyak. Wala na rin namang tao sa lugar kaya kiber niya kung mukha siyang tangang umiiyak.
No choice siya kundi magtaxi. Ayaw niya sana dahil takot siyang magtaxi 'pag alanganing oras dahil sa kaliwa't kanang balita ng rape pero sa sitwasyon niya ngayon ay wala siyang magagawa. Siya rin naman ang may kasalanan dahil masyado siyang lutang.
"Mika!"
Napaangat siya ng luhaang mukha nang marinig ang nagsalita.
"C-Cci??" hindi makapaniwalang sabi niya. Humahangos itong lumapit sa kaniya. Hindi siya nakahuma nang bigla siyang yakapin nito nang mahigpit.
"Thank God inabutan pa kita rito. I was so worried when Ara called me and said that you didn't bring your car. She couldn't come back for you kasi she's already travelling to Pampanga na. God, you got me so worried," bakas sa mukha ni Ricci na nag-alala nga ito. "Hey, are you crying?" tanong nito nang mapasigok siya. Bahagya itong lumayo upang matitigan nang mabuti ang mukha niya.
"I..." Hindi siya nakasagot dahil nalunod na siya sa titig nito na puno ng pagmamahal. Oo, pinapangalanan niya na ang emosyong matagal niya nang nakikita sa mga mata nito tuwing tumitingin sa kaniya.
Masuyong hinawakan nito ang mukha niya at pinahid ang mga luha niya gamit ang likod ng palad. "It's okay, I'm here. Come on, I'll take you home." Dinampot nito ang backpack niya na nasa lapag at isinukbit sa balikat. Hinawakan nito ang isang siko niya at inalalayan pasakay ng kotse nito.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya nang makasakay sa kotse nito. She felt relieved, and most of all, very grateful that he was here. Hindi niya inaasahan na ito pa ang tutulong sa kaniya ngayon.
Sa pagkakaalam niya ay maagang umalis ng party si Ricci kasama ang kuya nito dahil may early training daw with their dad. Conditioning Coach kasi ang daddy ng magkapatid at kadalasan ay may separate training ang mga ito on top of the usual training ng team. They left just right after Ricci's song number. Ni hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap kanina.
But he's here now. He came back for her. Just when she needed him.
"Sa'n kita ihahatid? Sa dorm ba?" tanong nito pagkaupo sa driver's seat.
"No. Walang tao sa dorm kasi they all went home. Okay lang ba kung magpahatid ako hanggang sa house namin sa Recto? Doon ko kasi iniwan 'yung car ko. Kung hindi pwede, you can--"
