"We had the right love at the wrong time.
Guess I always knew inside.
I wouldn't have you for a long time.
Those dreams of yours
Are shining on distant shores."CHAPTER EIGHT
TULALANG lumabas ng office ni Miss Joy, ang Tournament Coordinator ng school nila, si Mika. Halos tatlong oras silang nag-usap nito kaya't sobrang drained siya. Panay ang rewind sa isip niya ng mga sinabi nito.
"You okay?"
Muntik siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang nagsalita sa tabi niya. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala si Ricci sa kaniya.
"Masyado ka namang tensed, Queen. Anyare ba?" tanong nito. Halatang kagagaling lang nito sa practice dahil basa pa ang buhok nito, plus he's smelling like her favorite soap.
"Ahmm, w-wala naman. Usual peptalk lang," sabi niya sabay iwas ng tingin dito. "Pa'no mo nga pala nalaman na na kay Miss Joy ako?"
"Ako pa? Alam mo namang nagiging BDO ako pagdating sa 'yo eh," smug na sabi nito.
"Huh? 'Di ko gets," confused na tanong niya.
"'Yung tagline ng BDO po kasi," he said as he jokingly rolled his eyes as if ang slow ng pick-up niya. He was referring to 'we find ways' na tagline ng BDO.
Natawa naman siya, hindi sa sinabi nito kundi sa expression nito. He's really cute. He reminded her of her favorite emoticon.
She'll definitely miss this light moment with him.
Nawala na naman tuloy ang sigla niya nang maalala kung ano ang ipinangako niya kay Miss Joy.
"Free ka na ba now or may gagawin ka pa?" tanong niya rito habang naglalakad sila sa hallway.
"I'm all yours, Queen. What's the plan?"
"Let's drive to Tagaytay," she suggested out of the blue. If she's going to fulfill her promise to Miss Joy, she wants to make as many memories with him as she can take. Para kung dumating na 'yung panahon na ipinangako niya, she would have enough memories to get by.
"Okay. I'll just check lang with Prince or Rasheed if they can go with us now," sagot nito.
"No. Tayong dalawa lang," pigil niya nang akmang kukunin nito ang phone para tawagan ang mga kapatid.
Napahinto ito at napasinghap sa sobrang gulat. First time kasi siyang nagsuggest ng out of town na silang dalawa lang. Huminto ito sa paglalakad at tinakpan ng kamay ang dibdib.
"Ahh, Mika, ano kasi... mahal kita pero kasi, bata pa ako. Hindi pa ako ready para sa iniisip mo," sabi nito.
Isang malakas na hampas sa braso ang ibinigay niya dito. Napahalakhak naman ito. "Gags! Wala akong iniisip na ganu'n, Cci. Gusto ko lang mag-unwind away from the pollution, with my favorite person."
"Aww, touched naman ako. I feel so honored, my Queen. Let's go then para hindi tayo masyadong gabihin."
----------
AFTER hours of driving, non-stop kulitan and asaran in his car, they arrived in Tagaytay. Dahil wala silang nakaplanong gawin doon, they just strolled around, watched the sunset and took some photos. She was secretly taking candid shots of him mula pa kanina sa sasakyan. She'd like to take as many photos of him as her phone memory can save."Let's go to Sky Ranch," yaya niya rito.
"Ahh, Ye, maraming tao du'n 'pag ganitong oras. Baka marecognize ka nila. Low-key, remember?" paalala nito sa kaniya.
