Chapter Eleven

698 20 28
                                    

"We had a once in a lifetime,
but I just didn't know it
'til my life fell apart."

CHAPTER ELEVEN

HINILOT ni Mika ang nananakit na sentido. Hinagilap niya ang planner niya para alamin ang next activity niya for the day at para malaman na rin kung meron pa siyang oras para kumain. Kanina pa niya naiisip lumabas para kumain pero hindi niya magawa dahil tinapos niya muna ang lahat ng natambak na paperworks. Maghapon kasi siyang nasa meeting kahapon kaya hindi niya nagawa ang mga reports niya. Ngayon siya napilitang tapusin ang mga iyon dahil kailangan niya nang ipasa. Pasado alas-dos na at nagrereklamo na ang mga bituka niya.

4 pm - Ricci's guesting at Sports Desk

"Fuck!" nausal niya sa inis nang makita ang next schedule niya. Ito ang pinakaiiwasan niyang activity dahil ayaw niyang makasama si Ricci nang silang dalawa lang. Pero wala siyang magagawa dahil kasama ito sa tungkulin niya. She needs to assist during an athlete's guesting and ensures that they'll represent the school in the best possible way.  Pati nga dapat sa outfit ay coordinated sa kaniya pero knowing Ricci, kokontrahin lang nito ang mga suggestions niya kaya hindi na siya nag-abalang magsuggest.  Sabagay, kahit ano naman ang isuot nito ay bagay rito.

So pinupuri mo siya nang lagay na 'yan? tanong ng malditang bahagi ng isip niya.

Hindi, nagsasabi lang ng totoo, depensa ng isip niya.

She would be lying if she thought otherwise.  The past four years had been good to Ricci, not only in his basketball career, but also on the physical aspect.  He managed to add more muscles to his lean frame which made him Cosmo-Bachelor-cover-worthy.  In fact, nakatanggap nga ang office nila ng invitation for Ricci to grace the cover of the said magazine.  Hindi pa lang niya ito nadidiscuss with his agency.

Narinig niya na naman ang pagkalam ng sikmura pero dinedma niya iyon.  Kailangan niya nang umalis para hindi ma-late sa call time. Wala siyang choice kundi ipagpaliban muna ang pagkain kahit pa gutom na gutom na siya.

Kinuha niya ang phone para icheck kung nagreply na si Ricci. Kagabi niya pa kasi ito tinatanong kung sasabay sa kaniya o magkikita na lang sila sa TV station ngunit hindi ito nagrereply.

Naiinis na isinalaksak niya ang phone sa bag nang walang mabasang reply mula rito. Sasadyain niya na lang ito sa court. Posibleng naroon pa ito dahil alas-dos ang tapos ng training nito.

Binitbit niya ang bag at nagmamadaling naglakad papunta sa basketball court.

----------
"HELLO, Miss!" sabay na bati ng dalawang rookies ng basketball team na sina Baffy at Ice. Papalabas ang mga ito ng court nang makasalubong niya.

"Hello, boys. Have you seen Ricci?" tanong niya.

"Yes po, Miss. Nasa shower room po si Cap," sagot ni Ice.

"Kanina pa ba siya or kakapasok lang? Baka ma-late na kami sa call time," tanong niya sabay tingin sa relong suot.

"About ten minutes ago pa, Miss. You can go inside, baka tapos na siya. Siya na lang din mag-isa ang nandu'n," imporma ni Baffy.

"Oh, okay. Thanks, boys! Go straight sa dorm, ha? No malling for today kasi we have a big game tomorrow," bilin niya sa dalawa bago dumiretso na papasok ng court.

Nakapinid ang pinto ng dugout nang dumating siya. Kumatok siya at naghintay na pagbuksan nito.

"Ricci?" tawag niya. Walang tugon mula rito.

Impatient na muli siyang kumatok. Dedma pa rin.

Ah, ayaw mong buksan, ha. Teka nga...

Idol QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon