Tentententen...
Ang susunod na update ay Rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ay kailangan. Maaaring naglalaman ng maseselang tema, lenguahe, karahasan, sexual, horror, o droga na hindi angkop sa mga batang mambabasa. 😂"Just a kiss on your lips in the moonlight
Just a touch of the fire burning so bright
No, I don't wanna mess this thing up
I don't want to push too far"CHAPTER FOURTEEN
"I TOLD you to stay out of this. I can handle it, swear," narinig ni Mika na sabi ni Ricci sa kabilang linya. Hindi masyadong maganda ang linya ng communication dito sa Baguio kung saan siya naroon para sa week-long seminar niya. Lumabas pa siya sa veranda ng kinaroroonang hotel para makausap si Ricci ng maayos. Tinawagan niya ito para magbilin dito tungkol sa team at sa ilang personal na bagay na rin.
"One last time, Cci, promise," sagot niya.
"Mika naman eh. Puro palpak naman 'yung mga naiisip mo eh," reklamo nito.
"Hindi, totoo na talaga 'to, promise. I set up an intimate date for you and Mich in a secluded place. Kayo lang dalawa du'n para makapag-usap kayo ng heart-to-heart. I already worked on both your scheds, plantsado na. No trainings and games for the two of you. It's been paid as well. Consider it my long-overdue apology gift. All you need to do is bring her there and be your charming self," mahabang paliwanag niya rito.
"Mika..."
"Sige na, Cci... please?" pakiusap niya.
"Bakit ba napaka-eager mo na magkaayos kami? Ayaw mo na ba akong kasama palagi?" may himig pagtatampo sa boses nito.
"Ricci, no. Hindi sa ganu'n."
Ayoko lang patuloy na umasa na may chance pa tayo dahil hangga't 'di kayo nagkakaayos, hindi ko mapilit ang sarili ko na 'wag ka nang mahalin, she wanted to say.
"I just want you to be happy," sa halip ay sabi niya.
"Do I look sad to you? Hindi ba ako mukhang masaya kapag kasama ka?"
"Pero magkaiba naman ang saya na naibibigay ko bilang k-kaibigan mo at ni Mich bilang girlfriend," giit niya.
"I'm actually happier when I'm with you."
"Ano ulit, Cci?" tanong niya dahil naputol-putol na naman ang linya. "Choppy ka kanina, besh."
"Sabi ko kailan ba 'yan?" tanong nito.
"This Saturday," sagot niya.
"Wala ka pa nu'n ah? You said Sunday pa ang balik mo?"
"Yes, Sunday pa nga. But you don't need me there, Cci. Hindi naman ako ang ka-date mo. Besides, everything's planned and paid na nga. Pupunta na lang kayo du'n sa place na itetext ko sa 'yo and it would be all up to you," paliwanag niya.
Hindi niya alam kung bakit nahihirapan siyang magpaliwanag at kumbinsihin ito. He should be excited pa nga dapat dahil nag-eeffort siyang tulungan ito. Oo, pumalpak siya ng ilang beses pero this time, sure siyang hindi na siya papalpak dahil pinagplanuhan niya itong mabuti.
She planned everything so well as if it was her own date. Well, it was actually her dream date. Mula nang magdalaga siya at maging aware tungkol sa pakikipagdate, she always dreamed of spending the night under the stars with the man she loves. For her, it was always the simple things that means so much. But since wala naman ng pag-asa na makasama niya si Ricci sa dream date niya na iyon, might as well let another girl experience it.
