Chapter Nine

595 14 3
                                        

"You're the best
And yes I do regret
How I could let myself
Let you go
Now, now the lesson's learned
I touched it I was burned
Oh I think you should know

'Cause when I'm with him
I am thinking of you
Thinking of you..."

CHAPTER NINE

AFTER four years...

"Nervous?" tanong ni Miss Joy kay Mika. Naroon siya sa office nito sa school.

"Medyo po, Miss. I don't know how the athletes will react once they knew," nakangiting sabi niya bagamat halatang kabado.

"May particular 'athlete' ka bang gustong tukuyin?" tanong ulit nito na may halong panunukso ang tinig.

"Ay Miss Joy ah, nang-iintriga ka," pabirong irap niya rito. "Trabaho lang po ito, walang personalan. Besides, past is past na po. It's been four years," ngumiti siya sa kausap para ipakita rito na okay na okay siya. Tanging siya lang ang nakakaalam na may kurot pa rin sa puso niya kapag nababalikan ang nakaraan.

Yes, it's been four years since she made that decision. Hanggang ngayon ay nasa puso niya pa rin ang maraming what ifs. What if hindi niya ito pinalayo? What if natuto siyang lumaban at manindigan? What if hindi siya nito sinukuan? What if magkahawak-kamay silang lumaban sa lahat ng humahadlang sa kanila? Naging iba kaya ang sitwasyon nila? Possible. Pero siya na rin ang may sabi... Past is past. Wala na siyang magagawa kasi nangyari na ang mga nangyari.

"Okay ka lang?" concerned na tanong ni Miss Joy nang mapansin nito na natigilan siya. Nakasandal ito sa swivel chair nito habang mataman siyang tinitingnan.

"Very okay, Miss," she forced a smile.

Tumayo si Miss Joy at umupo sa tapat ng visitor's chair na inuupuan niya. She reached for her hand and looked in her eyes as she spoke. "Ye, kilalang-kilala na kita. I've known you for nine years. At alam ko, kahit hindi mi sabihin, malaki ang kinalaman ko diyan sa lungkot na pilit mong itinatago sa mga pagngiti-ngiti mo."

Napayuko siya para iwasan ang tingin nito. "Miss Joy, ano ka ba! Okay nga sabi ako. Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" naiilang na tumawa siya. Tiningnan lang siya nito.

Wala pa rin talagang kupas si Miss Joy. Daig pa nito ang mommy niya sa pag-analyze ng feelings niya. Palibhasa ay graduate din ito ng AB Psychology na katulad niya kaya nahuhulaan nito ang tinatakbo ng isip niya base pa lang sa reaksyon niya.

"Ye, I never told you how sorry I am for asking you that favor four years ago. Believe me, it pained me to ask you that kasi mahal ko kayo pareho at alam kong masaya kayo sa isa't isa. But I hope you understand that I had to do it. Nakikita mo naman ngayon 'yung result, 'di ba? He's been the King since Jeron left. He brought four championships to the school and working on his last. He is where he is supposed to be and it's all because he was able to focus on the goal that was set to him by the school. Kung hindi ko hiniling sa 'yo na maghiwalay kayo, he wouldn't be able to focus. He would still be that love-sick teenager who's always at your beck and call. He'll just be a wasted talent. May lovelife nga pero hindi na-maximize ang potential."

Humugot siya ng malalim na hininga para pawiin ang paninikip ng dibdib pagkaalala sa nakaraan.  "Miss, I perfectly understand.  Kaya nga ako pumayag noon eh.  Kasi alam ko na para sa kabutihan niya rin 'yun.  I want him to experience what I experienced being able to bring pride to the school.  It's just sad na hindi na namin naayos 'yung relationship namin kahit bilang magkaibigan man lang.  I tried pero nareach ko na yata ang limit sa mga exes na pwede kong maging friends.  First two exes lang yata ang pwede," biro niya upang pagaanin ang loob.

Idol QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon