=Sai Ji's pov=
Sa classroom...
Naupo si Daisuke sa tabi ko.
"kamusta?" tanong ni Daisuke.
"ayos lang, ikaw?" sagot ko na patanong na rin.
"ok lang"
"bakit mo plinano yun?"
"ang alin?" tanong rin niya.
"bopols ka ba?! Alam mo naman tinutukoy ko" sagot ko.
"yun ba?" sabi niya tapos ngumiti lang.
Weird talaga nito.
"eh ikaw bakit mo ko tinutulungan sa plano ko?" tanong niya sa akin na nakangiti pa rin.
Napaisip ako.
"weird mo talaga pero gets kita. Gets ko na rin kung bakit" sagot ko.
Nagkangitian kami ni Daisuke.
=Jeongwon' pov=
Nakita ko agad sina Daisuke at Sai Ji na nasa loob na ng classroom at nagngingitian, sila na ba?
Lumapit ako sa kanila at ginulat ko sila.
"bulaga!"
At nagulat naman sila.
"anong meron?" tanong ko sa kanila.
"wala" sabay nilang sagot.
"weird niyo talaga!" sabi ko tapos nakita ko na dumaan si Ha In na may hinahanap sa bag niya.
Mukha talagang tanga yun. Siguro yun kabopolan na naman umiiral.
"labas muna ako" sabi ko kina Daisuke at Sai Ji.
"saan ka pupunta? Mag-uumpisa na yun klase" sabi ni Daisuke pero hindi ko siya pinansin.
Nilapitan ko si Ha In na may hinahanap sa bag niya..
"ha in" tawag ko.
Lumingon si Ha In sa akin pero bumalik ulit si Ha In sa pagkalkal ng bag niya.
"ano bang hinahanap mo?!"
"yun registration form ko. Nandun kasi mga subjects and schedules ko"
"saan mo huling nilagay?"
"hindi ko matandaan eh"
"kuha ka na lang ulit. Nagbibigay naman ng copy yun register office"
"eh anong oras na? Mag-uumpisa na yun class"
"paano ka makaka-attend kung hindi mo alam saan yun room at schedules ng mga subjects mo kaya kumuha ka na lang ng bago sa register office"
Napahinto si Ha In sa paghahanap at napatingin sa hawak ko.
"ano yan hawak mo?"
"papel. Tanga ka?!"
"oo! Alam kong papel yan pero ano yan?"
Tinignan ko yun hawak kong papel. Nagulat ako nung mabasa ko. Ito yun registration form ni Ha In. Teka! Bat ba nasa akin to?
Inagaw ni Ha In yun hawak ko at tinignan.
"bakit na sa'yo tong reg form ko?!!" galit niyang tanong at ang sama makatingin.
"aba! Malay ko" sagot ko.
"ewan ko sayo!"
Naalala ko na. Kanina may iniabot si Daisuke sa akin.
"si Daisuke nagbigay nan sa akin"
BINABASA MO ANG
Romantic Street
Romance“The stars are the street lights of eternity. And I met in the street a very poor young man who was in love. His hat was old, his coat worn, his cloak was out at the elbows, the water passed through his shoes, - and the stars through his soul.”