=Ha In's pov=
Ilan beses ko nang dinial ang phone number nila pero ni isa sa kanila walang sumasagot. Bakit kaya? Busy ba sila? O baka nakalimutan na nila ako. Huwag naman sana.
"5 hours na tayong nakakulong dito. Wala bang makakain?" sabi ko.
"malamang wala! CR to eh. C-R!" si Jeongwon na nakaupo sa may gilid.
"paano mo pala nalaman na dito ako nagtatago?"
"kay Daisuke"
"ulol! Daisuke ka d'yan"
"oo nga! Pero kung ayaw mo maniwala,eh di wag"
"bakit ako maniniwala sa'yo,eh tukmol ka!"
"sinong tukmol?!"
"ikaw! May kasama pa ba tayong iba rito?"
"oo nga no!"
Tapos ngumiti si Jeongwon. Tumayo at lumalapit sa akin habang dahan dahan niyang ina-unbutton ang polo niya.
"hoy! Anong binabalak mong hinayupak ka?!"
"sweetie" then he gave me an evil smirked.
"gago ka! Anong binabalak mo? Di mo ba alam nag-aral ako ng kung fu"
Pero hinubad na niya yun polo niya. Infairness! Ganda ng abs! Yummy! Anuber ha in! Pinagsasabi mo d'yan? Magdasal ka nga...
"sabi ngang nag-aral ako ng kung fu eh! Kaya wag ka lalapit!"
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
Naku po! Help! Ano bang balak niya?
Napapikit ako tapos...
Isang malakas na batok ang natikman ko.
"aray!!!" sabi ko.
"wala akong masamang balak sa'yo! Di kita rerapein! Di kita type!"
"mas lalung di kita type! Peste! Si Yheen pwede pa"
"type mo si Yheen?"
"hindi. Pero siya kasi yun unang napansin ko sa Down-to-mars"
Tumawa si Jeongwon.
May nakakatawa ba?
"si Yheen? Naku! Girls are toys para sa kanya"
"di nga?"
"oo. Maghanap ka nung magmamahal sa'yo hindi yun basta gwapo at macho lang. Yun rerespetuhin ka, maiintindihan ka,at higit sa lahat gaano ka man kabopols, tanggap ka niya"
"sapakin kaya kita?! Bopols ka dyan!"
Tapos may narinig kami...
Nag-uusap na ewan. Parang naghaharutan na di mo malaman.
"ay ano ba?! Nakikiliti ako dyan"
Narinig kong sabi. Parang boses ni Li.
"ikaw talaga! Huwag d'yan. May kiliti ako dyan"
Sabi nung lalaki naman.
"parang boses ni Yheen" sabi ni Jeongwon.
Pinakinggan namin sila. Lumapit kami ni Jeongwon sa may pinto at idinikit ang tenga sa pinto.
"pa-kiss nga"sabi nung boy.
"ayoko! Hehehe"sabi naman ni girl. Ang landi lang ha?!
Patuloy pa rin kami ni Jeongwon sa pakikinig hanggang sa pareho kaming bumagsak dahil may nagbukas nung pinto nung pagsandal namin.
BINABASA MO ANG
Romantic Street
Romance“The stars are the street lights of eternity. And I met in the street a very poor young man who was in love. His hat was old, his coat worn, his cloak was out at the elbows, the water passed through his shoes, - and the stars through his soul.”