=Ha In's POV=
Bumili muna kami ng food na libre ni Zuum, bago kami nagsimulang mag-usap.
"may dapat ba kaming malaman, Li?" tanong ko.
Namutla si li. Hindi siya agad nakasagot.
"ano kasi..." sabi niya.
Tinitignan namin si Li.
"sige! Bilang leader, ako ang unang may pagtatapat" sabi ko.
Nagulat silang apat sa sinabi ko. Anuber!!! Bat ang weirdo nang tingin nila sa akin.
"ano? Magkukwento ba ko? O magtitinginan tayo?" sabi ko na medyo inis dahil sa weirdong tingin nila sa akin.
"sige! Magkwento ka na" si Yuuki.
"nalaman ni Jeongwon ang secret ko" pagsisimula ko.
At ito sila, may iba't ibang reaction.
"lagot ka kay sir Kim" si Li.
"talaga? Paano niya nalaman?" si Yuuki.
"halabira halabira!" si Zuum.
"mabuti naman" si Sai Ji.
At lahat kami napatingin kay Sai Ji.
"Girls, don't give me that kind of look, Ok?" sabi ni Sai Ji sa amin.
"anong kinabuti naman kasi nun?" tanong ko.
"alam niyo malalaman, at malalaman din nila ang secret natin" sagot ni Sai Ji.
May point siya.
"pero paano niya nalaman? At anong ginawa niya after niyang malaman yun?" tanong agad ni Yuuki sa akin.
Nagsimula na kong magkwento...
----FLASHBACK----
Nagsusulat ako sa diary ko nang biglang agawin ni Jeonwon ang diary ko.
"anu ba! Akin yan!" Sabi ko.
"saglit lang! Pabasa"
"Jeongwon naman eh! Akin yan eh"
"bakit? Inaangkin ko ba to? Sabi ko di ba pabasa"
"diary ko yan! Bakit mo babasahin? Alam mo ba yun salitang privacy"
Pero binasa na ng mokong ang diary ko. Tumawa siya nang tumawa.
"ambisyosa ka rin no? Paano naging ikaw si Ha In ng Hyacinth eh tignan mo yan hitsura mo! Ang nerd mo tapos weird ka pa!!!"
ako naman ang natawa ngayon. Buti na lang hindi siya naniwala sa nakasulat sa diary.
"kaya nga huwag mo nang basahin" sabi ko.
Kinuha ko yun diary ko kay Jeongwon at nilagay sa bag.
"paano? alis na ko ha? May pupuntahan pa ko" sabi ko tapos umalis na ko.
Sumakay ako sa may paradahan ng Taxi.
"saan po kayo patungo ma'am?"
"sa STARS Entertainment Company po" sagot ko.
Tumungo kami agad sa Stars Entertainment. Pagkadating namin dun.
"kuya, magkano po?"
"autograph na lang po, Ms. Ha In"
Aba! Narecognized ako ni kuya. Pero parang familiar siya.
"Ha In, hindi mo na ba ko natatandaan?" tanong ni kuya.
BINABASA MO ANG
Romantic Street
Romansa“The stars are the street lights of eternity. And I met in the street a very poor young man who was in love. His hat was old, his coat worn, his cloak was out at the elbows, the water passed through his shoes, - and the stars through his soul.”