ΘKenji's POVΘ
Sinugod ko si Yheen na kasalukuyang kausap ni Daisuke. Sinuntok ko siya nang malakas napatumba siya.
"ano bang problema mo?!" sabi ni Li na lumapit sa amin.
"huwag ka makialam dito!" sagot ko kay Li.
"at bakit hindi?! Boyfriend ko ang sinuntok mo!!!" sabi ni Li na galit.
"pwede ba! Wag mo siyang pagtanggol! Pinagpustahan ka lang nila ni Daisuke"
Nagulat si Li sa mga sinabi ko. Naiyak siya. Nagkamali ako,hindi ko dapat sinabi yun.
"totoo ba yun, Yheen?" tanong ni Li kay Yheen.
"oo pero..." sabi ni Yheen pero hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sinampal siya ni Li.
"ang kapal ng mukha mo!" sabi ni Li kay Yheen at umalis.
ΞSai Ji's POVΞ
Nagulat kami nang makita si Li na umiiyak.
"anong problema?" si Yuuki.
"anong nangyari?" si Ha In.
Si Zuum naman nakatingin sa akin. Pero nagkibit balikat ako.
"wala!!! Una na ko" sagot ni Li tapos naglakad palayo.
"Sai Ji, kung may alam ka sabihin mo kina Yuuki at Ha In" sabi ni Zuum.
"Sai Ji" sabi nila Yuuki at Ha In na nakatingin sa akin.
Halatang naguguluhan sila sa nangyayari ngayon.
"I'm sorry! Sorry guys! I manipulated everything!!!" sabi ko tapos tumakbo palayo sa kanila. Kasalanan ko 'tong lahat.
Habang tumatakbo ako may humawak bigla sa kamay ko. Napatigil ako sa pagtakbo. Napatingin ako sa humawak ng kamay ko - si Daisuke.
Naiyak ako.
"tahan na.... Kasalanan natin yun pareho" sabi ni Daisuke sabay yakap sa akin.
Niyakap ko rin siya habang umiiyak.
ΞZuum's POVΞ
"ano ba talagang alam mo?!" inis na tanong ni Ha In.
"magsabi ka na" sabi naman ni Yuuki.
Ano ba yan! Ako talaga ang natanong pero sige magsasalita na ko.
"ganito yan..." pagsisimula ko...
~flashback~
Hinahanap namin ni Kiro sina Daisuke at Sai Ji.
"Sky, nakita mo ba sina Sai Ji at Daisuke?" tanong ni Kiro.
"nasa rooftop! Naglalaplapan!!!" sagot ni Sky.
"ano? Naglalaplapan sila????" sabay namin naitanong ni Kiro. Gulat na gulat kami.
"joke lang! Magkausap sila" sabi ni Sky na natatawa.
Kami naman ni Kiro nagpunta sa may rooftop kaya tahimik namin narinig ang lahat.
"Gustong gusto ni Li si Yheen. Kaso napakababaero ni Yheen, hindi siya papansinin nun" sabi ni Sai Ji.
"gagawan natin ng paraan tulad nung nangyari kina Ha In at Jeongwon, Yuuki at Jang" sabi naman ni Daisuke.
"likewhat?" si Sai Ji.
"makikipagpustahan ako kay Yheen para ligawan niya si Li" si Daisuke.
"that's bad..."
"well,yeah pero mas makikilala ni Yheen si Li. Pwede siyang mainlove kay Li..."
"what if hindi mainlove si Yheen?"
BINABASA MO ANG
Romantic Street
Romance“The stars are the street lights of eternity. And I met in the street a very poor young man who was in love. His hat was old, his coat worn, his cloak was out at the elbows, the water passed through his shoes, - and the stars through his soul.”