7th Love Avenue: One Night Stand

33 3 2
                                    

¤Ha In's pov¤

Pinuntahan namin nina Sai Ji, Yuuki, at Li sina Jeongwon na kasalukuyang lasing na.

Hinayupak kasing Jeongwon 'to, tinext pa ko. Ayan tuloy nandito kami sa bahay ni Yheen para sunduin ang mokong na 'to at ihatid siya sa kanila.

Alalang alala sina Yuuki at Li kina Jang at Yheen.

Si Sai Ji naman inaalagaan si Daisuke.

Akala ko pa naman love ni Sai Ji si Jeongwon pero ito siya inaasikaso si Daisuke.

Kainis naman! At ako pa talaga mag-aalaga sa mukhang elepanteng 'to!

"hoy Jeongwon! Gumising ka na! Tatawag na ko ng taxi nang maihatid na kita!"sabi ko kay Jeongwon na nakabulagta sa sahig at lasing na lasing.

"dito ka lang Li. Huwag mo akong iwan"sabi ni Yheen.

"wag Li,mamanyakin ka lang niyan"sabi ko pero dedma si Li.

"sige. I'll stay with you"sabi ni Li kay Yheen.

Hay naku! Landi talaga! Bahala nga siya d'yan!

Tumawag na ko ng 2 taxi. Sa unang taxi: ako, si Jeongwon, si Yuuki, si Jang, at si Sky.

"tingin ko dapat magdate tayo"sabi ni Sky na napapapikit ang mga mata sa kalasingan.

"lasing ka na! Kung ano ano nasasabi mo"sagot ko kay Sky.

Tapos may binulong si Sky sa akin na ikinagulat ko.

"saan ba nakatira si Jang?"tanong ni Yuuki.

"sa puso mo Yuuki!"biro ko.

"sa condo na lang kaya natin sila dalin para maalagaan. Kawawa naman sila kasi sila"sabi ni Yuuki.

"sinong kawawa? Ito? Si Jeongwon?"sabay batok kay Jeongwon.

"aray!!!"sabi ni Jeongwon tapos sinukahan ako. Badtrip ka Jeongwon!!!

Sa condo na nga lang namin dinala sina Jeongwon, Jang, at Sky dahil sinukahan ako nung tukmol na si Jeongwon. Gusto kong magpalit agad ng damit.

¤sky's pov¤

Nasa kwarto kami ni Ha In. Ako, si Jang, at si Jeongwon.

Dahil sumuka si Jeongwon. Hinubaran ko siya. Ang asiwa nga eh. Kinumutan ko na lang siya para hindi lamigin. Si Ha In katabi ni Yuuki matulog.

Teka! Tulog na ba si Ha In? Kailangan makita ko yun diary niya. Bumangon ako para hanapin yun.

¤Sai Ji's pov¤

Sa pangalawang taxi: ako, si Daisuke, at si Kiro.

Unang bumaba si Kiro atsaka kami dumiretso sa house ni Daisuke.

"Daisuke,nandito na tayo"sabi ko pero tulog na tulog pa rin si Daisuke.

"Sai Ji,boyfriend mo?"tanong ni manong driver.

Nakilala ako ni manong driver.

"hindi po. Friend ko lang"sagot ko.

"infairness, bagay na bagay kayo"sabi ni manong drayber.

Bumaba to sa taxi at kasama kong umakay kay Daisuke papasok ng bahay.

"salamat. Ito palang bayad"sabi ko.

Nagulat ako nung pagtingin ko,si Jhay pala yun taxi driver.

"wag na. Alagaan mo na lang yan future boyfriend mo"sagot ni Jhay at lumabas na ng bahay.

Shocked pa rin ako.

Nakahiga si Daisuke sa may sofa nang bigla niya akong hilain papunta sa kanya kaya naman napasubsob ako. Niyakap niya ko nang mahigpit.

Romantic StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon