12th Love Avenue: Destiny Restaurant

22 3 0
                                    

=Ha In's POV=

Nakatanggap kami ni Yuuki ng text ni Mngr. KIM YG na pumuntang Destiny Restaurant sa may Romantic Street. Kasama namin pumunta sina Jeongwon at Jang sa Destiny Restaurant dahil nakareceived din sila ng text mula kay Mngr. Gel.

Pagkadating namin. Hinihintay kami nila Kiro at Sky kasama sina Mngr. Kim at Mngr. Gel.

Dumating na rin si Yheen na namumugto ang mata. Kasama niya si Zuum.

After 10 minutes, sina Li at Kenji ang dumating. Magkaholding hands sila.

Sila na ba?

Napatingin tuloy kami kay Yheen na napayuko na lang nang makita na magkaholding hands sina Li at Kenji.

At ang pinakahuli sina Daisuke at Sai Ji.

Nahihiya si Sai Ji at di makatingin sa amin. Ganun rin si Daisuke. Naupo ang dalawa na medyo malayo sa amin. Akala siguro nila galit kami. Bwahahahahaha!!!

"I have anouncement to make. Aalis na sina Sky at Kiro para mag-aral sa America..." sabi ni Mngr. Gel na malungkot.

We all felt sad. Niyakap namin isa isa sina Kiro at Sky.

"nandito kayo para sa send off party para kina Kiro at Sky" sabi naman ni Mngr. Kim.

We eat first then uminom kami kahit na malungkot at nagkakailangan yun iba.

Maya maya...

May pumasok na girl. Maganda siya at familiar - si Juris ng MYMP.

Naupo si Sky sa piano. Nagumpisa na siyang tumugtog at si Juris naman kumakanta na...

-Nothing Gonna Stop Us- by: Juris

=Zuum's POV=

Nalulungkot ako dahil aalis na ang bestfriend kong si Kiro pati si Sky.

"don't be sad... Babalik naman ako eh tapos araw araw tatawagan kita" sabi ni Kiro tapos nagyakapan kami.

=Yuuki's POV=

"Kung hindi pala kayo nakapagdate ni Merge bakit ka nagpabigay ng chocolate tapos sabi mo pa nag-enjoy ka sa date niyo" tanong ko kay Jang.

"Yun ba? Sabi ni Sai Ji you like chocolate kaya bumili ako para bigyan ka kaso Sai Ji insist na palabasin kong nag-enjoy ako sa date namin ni Merge tapos pinabibigay ko yun chocolate kay Merge" sagot ni Jang.

"bakit ka pumayag sa plano na yun ni Sai Ji?" tanong ko ulit.

"Para pagselosin ka at para aminin mo na you like me sabi kasi ni Sai Ji na crush mo ako"

I smiled.

Sai Ji talaga. Ang kulit lang. Hahaha.

"Yes! I like you and I have a big crush on you, Jang" sabi ko.

Finally, I admit everything.

"may tanong pala ako sa'yo" sabi ni Jang.

"ano yun?"

"anong ginawa mo sa chocolate?"

"kinain ni Ha In" natatawang sagot ko.

Natawa rin si Jang at hinawakan ang kamay ko.

"I love you Yuuki" sabi niya habang pinagmamasdan niya ako.

Ako naman? Ito tulala...

"pwede ba kitang ligawan Yuuki?" tanong niya.

"Oo naman"

"I love you so much! At kahit na maging tayo araw araw pa rin kitang liligawan para maramdaman mo kung gaano kita kamahal at hinding hindi ako magsasawang mahalin ka kahit tumanda na tayo"

Romantic StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon