PERO...
Wala pang tao! Grabe ako lang mag-isa dito? Huhu! T_T
Asan kaya sila?
Maya-maya lang ay may pumasok na tao.
"Pate, anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin.
"Huh, dito po ako naka-room. Nasaan ho ba sila?" tanong ko rinn, 'di ko na nasagot yung tanong niya.
"Nasa gym sila. Pumunta ka na don" sagot niya.
"Ahh okay po. Thanks po ^_^" sabi ko sa kanya at tsaka lumabas.
Omg, nakakahiya yun ah. So, di na ko pupunta ng gym. Late na din naman ako eh. Libot nalang muna ako ^_^
"La La La La La" kumakanta ako habang naglalakad with matching konting kembot. LOL ^_^
*Kablagg!*
"Arayyy ko" napakalakas kong sigaw.
Nauntog ako sa poste. Napaupo pa ako.Kung saan-saan kase ako tumitingin T_T.
"Ate" sabi ng lalake sabay abot ng kanyang kamay.
Ngumiti ako sa kanya at hahawakan ko na ang kamay nya pero , bigla niya itong inalis T_T.
Lalo pa tuloy akong napaupo.
Nagsitawanan sila. Yung lalaking yun may kasamang tatlong lalake. Tumatawa silang apat, nakakabwisit.
Tumayo ako at 'di ko nalang sila pinansin. Naglakad nako papuntang room.
Sakto marami ng tao sa room namin. Umupo nalang ako sa vacant chair sa likuran. Sa likuran nalang kase may mga vacant chairs.
"Hi " sabi ng lalake sa akin na nasa tabi ko.
"Hello" sabi ko rin sa kanya.
"U-uhm sorry ate dahil sa nangyari kanina ah" nahihiya niyang sabi atsaka ngumiti.
"Huh, anong sinasabi mo jan?" takang tanong ko sa kanya.
"Ayy, di mo yata ako napansin kanina. Ako po yung nakabunggo s-sayo kanina. S-sorry po ate" nahihiya pa ring sabi niya.
"Ah, haha okay lang yun" sagot ko at ngumiti ako sa kanya.
Ngumiti din sya. Maya-maya, may pumasok na mga lalake.
OMG, yung apat na bully kanina. T_T.
Lagot na ko nito, kaklase ko pa sila.Tumingin sakin yung kaninang lalaking bully. Ngumiti siya sakin, nabilaukan tuloy ako.
Tumabi sya sakin. OMG, ano na kaya mangyayari sakin neto? Mukhang may masamang binabalak yeh! Nuu! T_T.