Nanatili kaming tahimik ni Ron hanggang sa makarating kami sa room. Siguro narinig nya rin yung mga sinabi ng mga babae kanina.
Habang nagkaklase kami ay may apat na lalaking sumilip sa bintana namin. At tumingin kay Ron , ngumiti sila kay Ron pero walang naging reaksyon si Ron.
Siguro mga kabarkada yun ni Ron. Nanatili pa din kaming tahimik ni Ron hanggang sa mag-uwian.
Kinausap ko siya para maputol ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"U-uhm, Ron... uhm may problema ba?" utal kong tanong.
" Wala naman. Sino kasabay mong uuwi?" tanong niya sa akin.
"Wala. E, Ikaw ba?" sabi ko.
"Wala din. Pero may sundo ako. Ikaw ba may susundo ba sayo?" tanong niya.
"Uhm. Oo yung school bus lang." sagot ko.
"Ahh ok. Sige una nako. Andiyan na yung sundo ko e." sabi ni Ron.
Nauna na siyang umalis sa room. Napatingin ako kila Third. At saktong nakatingin din siya saakin. Kanina pa kaya siya nakatingin? Ewan ko bahala na.
Napatingin din ako sa barkada ni Third na silang nakatingin din pala sila sa akin. Inirapan ko nalang sila dahil wala ako sa mood.
Palabas na sana ako pero bigla naman akong hinarang ng isa sa mga kabarkada ni Third. At tinulak ako dahilan para bigla akong mapaupo. At inaya niya si Third at yung dalawa pa niyang kasama para pagtripan ata ako.
Lumapit sila at pinalibutan ako. Pinagbabato nila ako ng papel. Naiiyak ako hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko.