Natutuwa pa sila habang ako umiiyak na. Bakit ba nila ginagawa iyon? Ano bang ginawa ko? Gumaganti ba sila dahil inirapan ko sila?
"Stacey?" sigaw ni Ron at nakita niya akong nakasalampak at pinagbababato.
Pinagsusuntok ni Ron sila Third. Tumayo ako at inawat ko si Ron dahil nagsusuntukan sila ni Third. Mukhang galit na galit si Third kaya nagkasugat si Ron. Tumigil din sila ng awatin ko. May sugat na si Ron kaya nag-aalala ako. Halatang napuruhan ni Third. Umalis kami ni Ron at dinala ko siya sa clinic. Naawa ako sa kanya. Bakit niya iyon ginawa?
"Ron, bakit ka nakipagsuntukan sa kanila? Napahamak kapa tuloy" nag aalala kong sabi.
"Eh pinapagtripan ka nila. Umiiyak ka na nga di kapa lumaban." sabi ni Ron.
"Sorry ha, dahil sa akin nasaktan kapa." malungkot kong sabi.
Ngumiti lang siya. Nginitian ko rin siya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong umiyak pero hindi naman ako ang nasaktan.
"U-uhm, bakit ka nga pala bumalik?" nagtataka kong tanong.
"May nakalimutan kase ako, mabuti pala yon e. Kung hindi pala ako bumalik hindi ko alam kung ano nang mangyayari sayo." sabi niya.
Halos mapaiyak na ako dahil sa sinabi niya. Kung hindi nga siya dumating ano na kayang nangyari sakin?
Nang matapos ko na siyang malagyan ng band aid sa mukha ay nagpaalam na din siya sa akin.
"Salamat Stacey ah, sige mauuna na din ako." sabi ni Ron.
"Salamat din sa pagligtas mo sakin. Sige, paalam ingat ka ha!" sigaw ko.
Umalis na siya. At ganon din ako.