Nagsimula na ang klase. Habang nagsusulat si ma'am sa blackboard, ang ingay ng katabi ko! Nilingon ko si Third dahil dun galing ang ingay.
"Oops! Wahahaha!" Sobrang lakas ng tawa ni Third.
"Tss" Sabi ko tsaka inirapan ko siya.
"Mr. Mactal!" Malakas na sigaw ng teacher namin kay Third.
Tinanguan lang ni Third ang teacher namin. Tsk! Bastos!
"What are you laughing at?" Tanong ni ma'am.
Nginisian lang ni Third si ma'am.
"Ma'am si Stacey po kase ang ingay ingay, nagpapatawa po kase siya!" Sabi ni Third.
W-whaaat!? Nandamay pa! No!
Nilingon naman ako ni ma'am.
"Stacey! Oras ng klase nagpapatawa kapa?" Galit na sabi ni ma'am.
Oh no!
"M-ma'am, hindi naman po kase ak......" Sabi ko.
"Go to the office now!" Putol ni ma'am na sumigaw pa sa akin.
Ako lang?! 'Di naman ako kasali ako pa napahamak!
"With you Mr. Mactal!" Galit na sabi ni ma'am.
Nilingon ko si Third, teka ba't ngingisi ngisi pa 'tong uto na'to?
"Tss" Mahinang sabi ko.
Tumayo si Third at akmang pupunta nga ng Office. Tsk!
Nakatingin lang naman ako hanggang sa makalabas siya.
"Ms. Fabello? Why are you still in here?!" Galit na sabi sa'kin ni ma'am.
"Pero ma'am ...."
"Walang pero pero. 'Dun kana magpaliwanag!" Putol ni ma'am sa sinabi ko.
'Di man lang ako pagsalitain? Bastos! -_-
Parang ikukulong lang ang peg ko!
Lumabas na 'ko sa sobrang inis ko! Kabadtrip si ma'am eh!
Nakita kong malayo na ang nalalakad ni Third. Hinabol ko siya agad para pagalitan! Tsk!
"O-oyy kumag!" Hingal na sabi ko habang hinahabol siya.
'Di niya ko pinansin >_<
Siya pa galit?! Kapal din e!"Hoy teka nga!" Sabi ko sa kanya tsaka 'di ko sadyang nahitak siya braso. Yuck! >_<
Pagkahitak ko sa braso nya, nagulat ako dahil nung paglingon niya , napakalapit ng mukha namin sa isa't isa. Pati man din siya ay nagulat sa ginawa ko!
Grabe naman ano ba 'tong nagawa ko! >_<