10

1.3K 33 2
                                    

Third's POV

Uminit bigla ang ulo ko dahil magkausap sina Stacey at Ron at dahil nadin sa kasalanan ni Ron sakin. Kaya ng pagtripan si Stacey ng mga kabarkada ko ay nakisali na rin ako.

At biglang dumating si Ron. Sinuntok niya kami. Galit ako kay Ron kaya pinuruhan ko siya. Wala akong paki kung masugatan siya. Pero inawat kami ni Stacey at huminto na din ako at narealize kong mali ang ginawa ko kay Stacey na sinaktan ko siya.

Umalis silang dalawa at naiwan akong tulala dahil nagkasugat ako sa labi. Agad akong tinulungan ng mga kaklase kong babae pero itinaboy ko lang sila.

"Pare okay ka lang ba? Gusto mo idala ka namin sa clinic?" tanong ng isa kong kabarkada.

"Hindi wag na maliit lang naman to e. Tsaka hindi naman ako nasaktan." naiinis kong sagot.

Nagpaalam na ako sa mga kabarkada ko at ganun din sila.
Nang makarating na ako sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto at humiga. Nakapag-isip isip na din ako.

Hindi ko kayang saktan ulit si Stacey pero kapag mainit talaga ang ulo ko o kaya naman ay nagseselos ako ay hindi ko na kayang pigilan. Pero kaylangan ko na ngayong itigil ang galit ko kay Stacey dahil wala naman siyang kasalanan. Si Ron lang naman ang kinaiinisan ko.

The Bully Fell Inlove In The Ordinary Girl  (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon