Stacey's POV
"Stacey unahin na kita susukatin ko na yung height mo" sabi ni Ron.
Ngumiti nalang ako. At sinukat niya na ako.
"1.51 meters, cute ng height mo! ^_^" sabi ni Ron.
Hay nako! Oo, maliit ako ahhaha. Pero ang cute nya din! ^_^
"Ahaha, di na ko magpupuyat para tumangkad ako hihi. Ikaw naman" sabi kong pabiro.
"1.56 meters, ahaha ibebeat ko yung height mo!" buong tapang kong sabi. Lol.
"Kailan pa?" pangising sinabi ni Ron.
Nagpout nalang ako. Sabay hinampas ko sya ng mahina sa balikat.
Nang matapos na kami sa activity na iyon. Pinag recess na kami ng teacher namin.
"Oy Stacey, sabay tayo. Intay!" sigaw ni Ron.
"Ahahah, sige tara" sabi ko.
Pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin. Halatang may iniisip silang alam nyo na yun....
"Stacey anong bibilin mo?" tanong ni Ron.
"Uhm, burger at choco juice. Ikaw?" wika ko.
"Oo nga noh, ge ganun din yung akin" sagot ni Ron at ngumiti.
Pagkatapos namin bumili ay bumalik na din kami kaagad. Habang naglalakad kami pabalik..
"Uy, tingnan mo yung kasamang babae ni Ron. Ang kapal ng mukha!"
Naririnig kong bulungan ng mga babaeng nakapalibot. Kaya ba nila ako pinagtitinginan sa chapter 4?
Siguro sikat nga dito si Ron at maraming humahanga sa kanya. Kataka-kata nga namang sasama siya sa katulad ko.
Pogi si Ron, maputi, matangos ang ilong at malakas ang appeal. Anong nangyari sa kanya at bigla siyang sumama sakin?