Stacey's POV
Parang ayoko ng pumasok. Baka ano nanamang gawin nila sakin.
Sinubukan ko namang tanungin kay mama kung pwedeng lumiban nalang sa klase. Pero tumanggi siya. Hindi ko naman kase sinabi yung nangyari kaya ganon.Nang makarating na ako sa school. Naglalakad na ako papunta sa room namin nang may tumawag sa akin.
"Stacey!" sigaw ni Ron sabay ngumiti.
Nilingon ko siya ng walang karea-reaksyon ang mukha. Kasama niya yung mga lalake na sumilip sa bintana kahapon. Tama nga siguro ang hinala kong kabarkada niya yung mga iyon.
Lumapit si Ron sa akin at hinalikan ako. Oo, HINALIKAN NIYA AKO sa harap ng mga kabarkada niya.
Nagulat ako sa ginawa niya. Sinampal ko siya ng malakas dahil di ako makapaniwalang gagawin niya yon.
"Stacey saglit.." sabi ni Ron.
Hindi ko na siya pinansin at tumakbo ako papunta sa room namin.
Nanginginig akong umupo sa upuan. Buti unti palang kami dito sa room.
Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Nang dumating sila Third at ang mga kabarkada niya ay tumingin sakin si Third na para bang nagagalit.
Nagdadabog na ibinaba ni Third ang mga gamit niya sa upuan niya.
Nagsimula na ang klase at hindi pa din dumadating si Ron. Siguro nagsisisi din siya sa nagawa niya sa akin. Pero bakit niya kaya iyon ginawa? Kung sakaling dumating man siya ay di ko siya kayang kausapin at pansinin.