15: Assuming

773 20 1
                                    

Unti-unting lumalapit ngayon si Third papalapit sa akin. Kinakabahan ako pero 'di ko ipinahalata.

Hanggang sa napakalapit na ng mukha nya sa akin. Napapaatras ako sa sobrang lapit ng mukha niya.

Hindi ko namalayan na nakadikit na pala ang likod ko sa dingding kaya wala na akong magawa. Pumikit ako ng mariin.

Idinilat ko ang isa kong mata, OMG?! Ang lapit ng mukha niya tsaka ngumiti si Third sa akin.

"Ang lakas mong humiyaw jan. Takot ka din naman pala!" Natatawang bulong sa akin ni Third.

"U-uhm... Ehh k-kase... " Nauutal na sagot ko. Syeet! Nakakahiya sigurado akong matatawa nanaman 'to.

Umasta siyang parang hahalikan niya ako, nanginginig buong kalaman-lamanan ko. TSK!

"Gag* ka talaga!" Sigaw ni Ron at tsaka hinitak niya papalayo sa akin si Third.

Sinuntok ni Ron si Third. Napaupo si Third dahil nagulat din siya.

"T-Teka teka! Tumigil na kase kayo!" Malakas ko uling sigaw. Anu bayan?! 'Di ko na mapigil yung bibig ko ah! T_T

This time, hindi nila ako pinansin kaya naman lumapit na ako. Hinitak ko si Third papalayo at saka humarang ako sa pagitan nilang dalawa.

"Tumigil na sabi e!" Buong tapang kong sabi. Naks! Hehe.

"At sino ka naman para sundin ko?!" Sabat ni Third. Nako, kahit kailan talaga e!

"Eh, u-uhm " Utal utal nanamang sabi ko dahil napahiya ako sa sinabi niya.

"Ako s-si Stacey!" Malakas na sigaw ko na nakapikit pa! Syeeet! Nakakahiya talaga.

Ngingisi-ngisi naman si Third nung pag-dilat ko. Lumingon ako sa likod ko at ngingisi-ngisi din si Ron.

Nagalit ako, kaya naman umalis na ako papalayo sa kanila.Napahiya kase ako pakiramdam ko e, naging kakatawanan lang ako.

Ihh! Nakakahiya talaga! Huhu! Sana pala 'di na 'ko sumulpot e!

"Oyy Stacey, ano sa akala mo ha? Nagpapapansin kaba sa akin ha? Pwes, nagtagumpay ka!" Malakas na sigaw sa akin ni Third, ngingisi-ngisi pa nang lingunin ko!

Hayschh! Naiinis talaga ako!! Arggh! Makapal ang mukha e!

"WT?! Ang kapal naman ng mukha?! Assuming ka pala?!" Ngingisi-ngisi ko ring sigaw pabalik sa kanya. Nagpipigil lang ng inis. Hehe.

The Bully Fell Inlove In The Ordinary Girl  (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon