"Ako naman si Stacey" tipid na sagot ko."Buti pa ikaw ang ganda ng pangalan mo!" puri ni Jojo sa pangalan ko.
"Salamat!" matipid ko muling sagot.
Nagngitian na lamang kami. Wala ako sa mood na makipag usap. Hays.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang aming klase. Marami na kami dito ngunit wala pa sila Third at si Ron.
Nakakapagtaka, late na kase sila e. Nang matapos na ang klase namin ay dumiretso muna ako sa cr.
Habang nagsasalamin ako ay nag ayos-ayos nadin ako. Nang matapos na ako ay bumalik na ako ng room namin.
Nang makita ko sila Third sa gilid ng 'di na ginagamit na building. Sinilip ko sila ng patago dahil parang may gulo doon.
Nang silipin ko ay nagsusuntukan si Third at Ron. WHAAT? WHHY?
Natatakot naman akong lumapit dahil wala naman akong makakampihan sa dalawa.
Pero nakita kong parehas na silang may sugat sa mukha kaya hindi ko na rin mapigilang lumapit sa kanila.
Bago pa man ako lumapit ay biglang dumating si Jojo at sinubukang awatin ang dalawa pero hindi niya rin napigil ang dalawa.
"Tumigil na nga kayo!!!" napakalakas kong sigaw.
Agad namang naagaw ko ang kanilang atensyon. Hindi ko alam kung bakit bigla kong nagawa iyon.
Tumingin sa akin si Ron na walang karea-reaksyon. Gulat nalang ako nung lumingon ako kay Third. Nakita kong masama ang tingin niya sakin. Nilapitan niya ako..... Ako naman 'tong hindi makagalaw.....