Third's POV
May nakita akong babae kumakanta sya na kumekembot pa yata. Nakakainis! Nakakatulili yung boses. -_-
Tapos bigla siyang nauntog. LOL. Napaupo siya. Naisipan kong pagtripan yung babae na yun.
Inabot ko yung kamay ko senyas na tinutulungan ko siya. Ngumiti siya at akmang hahawakan na nya yung kamay ko ay bigla ko itong inalis at napa upo ulit sya. Anong akala niya? Ngingiti-ngiti pa yah! Buti nga sa kanya! ^_^
Tumawa yung mga kasama ko kaya tumawa nadin ako. Tumayo sya at umalis na.
Pumunta na kami sa room. At pagpasok ko nakita ko ulit siya.
Nginitian ko sya at tumabi ako sa kanya.Nabilaukan pa yata ang panget!
-_-Stacey's POV
'Di ako makatingin sa kanya. Natatakot ako grabe.
Buti dumating na yung adviser namin. At nagpakilala sya and sinabi ang mga rules. Then next na kaming nagpakilala. Natapos na sila. At yung hilerang likod nalang ang hindi.
"My name is Ron Gonzales. I am 14 years old." ganadong ganadong pagpapakilala nito.
Ahh. Ron pala pangalan ng katabi kong lalake.
"My name is Stacey Fabello. I am 13 years old." kabadong sabi ko.
Hay salamat tapos nadin ako :3
"My name is Third Mactal. I am 14 years old." maangas na pagpapakilala nito.
Ahh. Third pala ahh.
"Hi Stacey! " sabi ni Third sabay ngiting nakakatakot.
Yay! Katakot. Di ko nalang siya pinansin.