The Yellow Hanky Book Two- Chapter 1

26 3 0
                                    

The Yellow Hanky Book Two

Chapter 1

At sa pagpapatuloy ng ikalawang libro ng kwento ni Cleo.

It was almost one week since the Durmstrang incident happened. Hindi pa rin malaman ni Cleo kung ano ang misteryo na bumabalot sa almost fairytale na sana nyang kapalaran with John Rock The Ghost. Mula nga noong napag-alaman nya na deads na pala ito naisip ni Cleo na baka nga panaginip lang nya ang nangyari noong gabi na matrap silang dalawa sa loob ng silid na iyon. Hindi nya rin kasi maexplain kung paano napunta kay John Rock yung panyo nya.. Paano yon nasama sa larawang nakunan 3 taon na ang nakararaan e three weeks ago lang noong pinasa at chineck ‘yon ng home economics teacher nya? To think na nakunan yung larawan ilang araw bago namatay ang gwapong binata?

 Hindi magets ni Cleo. Parang panaginip na hindi yung nangyari. Hindi na lang tuloy nya kinuwento pa ito sa bestfriends nyang si Danielle at Bella Padilla.

May mga gabi na hindi sya makatulog sa kaiisip ng mga nangyari, di naman sya nagkakaroon ng nightmare, panay lang talaga ang isip nya. Pinapahirapan lang nya ang sarili nya. Kaloka. John Rock looked almost real. Pati yung mga salitang binitiwan nya noong gabi na yon bago sila na maghiwalay na dalawa, paulit ulit yon na nagrolyo sa isip ni Cleo. His words felt as though they were real.

But they really were real! Hindi ba’t noong araw na sumunod e bumalik si Cleo sa Durmstang to find out na patay na si John Rock? Noong araw din na iyon, nakilala nya ang isang pogi na estudyante doon. Kung tama ang interpretation nya, ito marahil yung tinutukoy ni John Rock. Ang queer naman na nahulog pa nung estudyante yung ID nya. Siguro para may chance pa sila ulit na magcommunicate? Whatevs. And speaking of that ID, hindi pa nya nababalik yon! :P

Kaya naman one week after nyang madampot ang ID, naisip nya na magpatulong sa mga kaibigan. Pinakita nya ang ID kina Danielle and Bella and it seemed like a bad act.

“OMG. K-Kanino ulit yung ID na napulot mo sa Durmstrang?” Tanong ni Bella na nakahawak sa batok ang kamay, naghahyperventilate pa  sya. Kalerks.

Nasa room sila ngayon dahil breaktime.

Hindi naman sinabi ni Cleo na bumalik sya sa Durmstrang High mula noong una silang makarating don. Ang kwento nya sa kambal, napulot lang nya yon sa pinagtaguan nya na lugar. Mainam na yon para di na rin mangulit ang dalawa. Di naman sila maniniwala kung ikukwento ni Cleo ang tungkol kay John Rock at kung paano talaga nya nakuha yung ID.

“Kay Alexander Vergara..” Ulit ni Cleo na nagtataka naman sa OA na reaction ng dalawa.

“Sis.. She’s so friggin’ clueless..” usal ni Danielle na namumutla na sa pagkarinig muli ng pangalang Alexander Vergara.

“Am I missing something here?” tanong ni Cleo na sobrang di na gets ang nangyayari sa dalawa.

“You don’t know who Alexander Vergara is?” Bella asked with wide eyes.

Cleo shook her head. “I’m afraid I don’t know him..”

Taray ng ‘I’m afraid I don’t know him.’ LOL!

Bella rolled her eyes. “Okay, dala mo ba yung ID? Para makita namin bago man lang kami magwala..”  She requested.

Cleo pulled the Identification Card from her bag’s pocket and handed it to Bella. Hindi muna yon tinignan ni Bella at Danielle.. Nagkatinginan muna as if nagsesend sila ng messages to each other’s brain through empathy link. And in count of three, sabay na tinignan nila na dalawa ang ID.

“In one..” Bella muttered.

“Two..” Danielle followed.

“Three!” Both of them squealed. Their eyes widened as they stared at the ID. They looked at each other until Bella, who was holding the card dropped it to her table.

The Yellow HankyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon