Chapter 5 Durmstrang High
“Durmstrang High?!” gulat na tanong ni Cleo. “Yung school ng mga Juvenile Deliquents? Yung school ng Slyfindor? Yung school ni.. Ni Cedric Delacour?!” hindi makapaniwalang tanong ni Cleo.
Tumango ang kambal.
“Oh My God.” Hindi pa rin nya makapaniwalang sambit.
Mag boboy hunt daw sila sa Durmstrang High?! Kalokohan! E school yun ng mga Juvenila Deliquents na barumbado, takaw-gulo, hambog, mayayabang, mayayaman at higit sa lahat.. GWAPO! Waaaaaaaaaah. Tiba-tiba sila pag nagkataon! Hahahahahaha.
Sika ang Durmstrang High na bagsakan ng mga delinquents. Parang Pendleton High lang sa TYBD. Haha.
Naging karugtong na na reputasyon ng school ang madilim na side ng mga estudyante nila. Pero kahit na ganun.. Hindi ka basta-bastang makakapasok sa eskwelahan na ito. May entrance exam ito na nakakabobo pa kaysa UPCAT. Hindi lang kasi basta-bastang JDs ang mga estudyanteng pumapasok sa school na ito. Surprisingly, magagaling naman sial sa klase pag tumino. Kinoconsider rin ng school ang socio-economic status ng estudyante nila. Hindi sila basta-basta tumatanggap ng mga estudyante mula sa kanto. Actually, yun lang naman ang magandang pakinggan sa school nila. Yung matatalinong akala mo walang alam na JDs, yung mayayaman at mga gwapo. Naipon lahat sa school na ito.
Naexcite ng sobra si Cleo sa narinig. Dito kasi nag-aaral yung grupo na Slyfindor na kinabibilangan nina Draco, Ronald, Fred, Neville, George, Harry James at si Cedric Delacour... Kras na kras nila ang mga lalakeng yun.
“Oh.. Handa ka na ba?” tanong ni Bella.
Walang kaabog-abog at takot syang sumagot na, “OO naman!”
The three of them cheered. After eating, they went to Durmstrang.
Sa Durmstrang High.
Laking gulat ng tatlo ng marealize na walang tao.
Hahahahahahahaha. Nakalimutan kasi nila nawala nga palang pasok ang mga eskwelahan ngayon. Di ba nga may seminar ang mga guro? Tsk. Wrong timing girls.
“Lanya.. Ang tahimik naman dito. Parang Ghost School.” Reklamo ni Danielle na sinisipa-sipa ang bakal na gate. “Nakakasdisappoint.. Akala ko pa naman makakahuli tayo ng marami.”
“Umuwi na lang kaya tayo?” malungkot din na wika ni Cleo na nakaupo naman sa sidewalk.
“Nakooo. Yan ang bagay na hindi natin pwedeng gawin ngayong nandito na tayo sa Durmstrang High! Alam nyo namang hindi basta-bastang nakakapasok dito di ba?!” tanong ni Bella sa dalawa. Tumango ang mga ito. “See? Girls.. Nandito na tayo. We should make the most of our once in a lifetime chance to visit this school.”
Tumayo si Cleo saka lumapit kay Bella na nasa loob pa rin ng Durmstrang High ang tingin.
“Pero.. Wala ngang tao. Wala rin namang sense kung papasok tayo sa loob. Mamaya mahuli pa tayo dyan sabihin na lang nagnanakaw tayo..” wika nya.
Napailing si Bella, “Wala talaga kayong alam. Hindi nyo ba alam na may tambayan ang Slyfindor sa loob ng school grounds? Balita ko. Hindi nawawalan ng tao dun. Malamang ngayon nandun sila.” Hindi pa rin nawawala ang pag-asa ni Bella.
“E wala ngang pasok! Paanong magkakaroon ng tao sa school na yan?” tanong ni Cleo.
Tapos.. Bigla na lang. May sasakyang nagpark sa parking area sa loob ng school. Hindi nila alam kung saan ito dumaan pero hopeful sila na possible nga ang sinasabi ni Bella na may tao sa quarters ng Slyfindor. At kahit mapanganib, nag overdabakod ang tatlo makapasok lang sa loob ng eskwelahan ng mga Deliquents.
Pagkarating sa loob.. Hindi na nila naabutan pa kung saan nagtungo ang lalakeng lulan ng puting sasakyan.
“San yun nagpunta?!” tanong nilang tatlo.
“Mabuti siguro hanapin natin..” wika ni Bella.
Nagsimula nga silang maghanap na tatlo. Ang problema.. Naikot na ata nila lahat ng building na tanaw ng mga paningin nila pero hindi pa rin sila nakakakita ng GWAPO.
Madilim na ng tumigil ang tatlo..
“Ayoko na!” nakataas na ang dalawang kamay ni Cleo. “Pagod na ako. Wala talagang tao. Mabuti pa umuwi na tayo!”
“Agree..” sagot ni Danielle na nagsimula ng maglakad.
“Hep. Hep. Hep..” awat nya sa dalawa saka inakbayan ang mga ito. “Hindi pa tayo aalis. May isang building pa tayong hindi napupuntahan!”
“Meron pa ba? Hindi pa ba sapat yung mga pinasukan natin kanina? Inabot na tayo ng gabi oh!” reklamo ng pagod ng si Danielle.
“May isa pa.. Yung sa likod. Yung Diagonalley Building.”
“Diagonalley Building?”
“Oo..” nakangiting wika ni Bella sa kanila. Naengganyo naman ang dalawa at muling sumama sa kaibigan nila.
Pagdating si Diagonalley Building..
Takot na mapapaatras si Danielle at Cleo sa tatambad sa kanila. Ang Diagonalley Building ang pinakamalaking building sa Durmstrang High. Luma na ang hitsura nito pero mukha pa ring classical. Maganda ang disenyo. Yun nga lang, nakakatakot. Malaki nga kasi ito tapos madilim pa ang mga pasilyo. Yung ilaw sa lobby lang. Tapos nagbiblink blink pa. Hahahaha. Ayos!
“We’re here..” bulong ni Bella sa kanya.
Humangin ng bahagya.
“i.. Ito na ba yun?” nauutal na tanong ni Danielle.
“Sigurado ka ba Bella na boy hunt talaga ang hanap natin? Baka naman ghost hunt ang ibig mong sabihin..” natatakot na rin na wika ni Cleo. Kinakabahan na ang dalawa, pero si Bella.. Relaxed pa rin talaga.
“Oo naman.. Naikot na natin ang lahat. Dito sigurado na ako. Nandito ang head quarters ng Slyfindor! Nararamdaman ko. Mabuti pa.. Pumasok na tayo.” Yaya ni Bella na hindi ata alam ang salitang TAKOT.
Nanginginig na napaatras ang dalawa.
“Umuwi na tayo.. Nakakatakot na.”
“Wag na nga kayong mag-inarte! Tara na!” Yaya ni Bella.
Tapos bigla na lang.. May flashlight na tumapat sa kanila.
“Sino yan?” tanong ni Manong Guard sabay gulat naman na nagsigawan ang tatlong mga bruha dahil sa takot at gulat na naghalo.
“Waaaaa!” sigaw nila saka dali-daling pumasok sa loob ng Diagonalley Building para magtago.