Chapter 10

188 2 4
                                    

Chapter 10 The Beginning

Hindi pa rin makapaniwala si Cleo sa narinig na kwento tungkol kay John Rock.

Hindi sya makapaniwala na patay na pala ito. Ibig sabihin ba multo ang kausap nya kagabi? Wow. Paranormal Activity? Hahahahahahaha

Naghalo ang iba’t-ibang damdamin sa kanya. Hindi nya alam kung matatakot sya o malulungkot pero nangibabaw  pa rin ang feeling ng panghihinayang. Nakakapanghinayang nga naman ang maagang pagkawala ng ganun kagwapong mukha.

At paano nga ba napunta kay John Rock ang panyo nya? Hello. Three years ago kinunan ang larawang iyon. E yung project nya, 2 weeks ago lang nya pinasa. Tapos kagabi lang nya yun binigay kay John Rock.

Mahiwaga talaga.

Disappointed syang naglakad palabas na sana ng Durmstrang High hanggang sa..

*BLAAAAAAAAAAAAAG!*

Bigla na lang may nagtakbuhang mga estudyante sa harap nya.

‘May gang fight ba? Waaaaaaaaaa. Wrong timing. Paano ako makakaalis nito?’- wika nya sa sarili habang pinapanood ang nagkakagulo sa tapat nya.

Nakatayo lang sya sa gilid at hinihintay na humupa ang kaguluhan hanggan sa maapakan ang kuko nya sa paa.

“Waaaaaaaaa!”

Iyak nya.

“Miss. Sorry!” pag hingi ng paumanhin ng lalakeng nakaapak sa kanya.

Tumingala si Cleo saka bumungad sa kanya ang isa ulit na gwapong mukha.

“Okay ka lang ba?” tanong nito sa kanya.

Kahit kumurap hindi na magawa ni Cleo. Kasi nga masyado na syang namesmerize.

“Mauna na kayo!” sigaw ng lalake sa mga kasama nya. “Gusto mo ba samahan kita sa clinic?”

Umiling si Cleo. “Hindi.. Okay na ako.”

Parang timang nyang sabi. Waaaaaaaa. Nandun na e! Bakit di pa sya dumamoves..

Inilapit na lang bigla ng lalake sa kanya ang mukha nito. Napapikit naman si Cleo dahil akala nya hahalikan na sya. Assuming kasi sya. Hahahaha

Yun pala, si Kuya.. Bubulong lang. Haha

“Sa Gate 3 ka dumaan.. Sa likod yun ng gym. Wag ka dito. Baka madamay ka..”

Tapos tumayo na ang lalake saka sumama sa mga makikipag-away.

Naiwan si Cleo na nakaupo. Nung narealize nya na wala na yung pogi bago pa sya tumayo. Pero bago sya tumayo para i-save ang buhay nya.. Nakita nya ang isang ID card na nakakakalat sa ground. Kinuha nya iyon. Nakasulat doon ang pangalan na..

ALEXANDER VERGARA

Tapos may contact number.

Nung tinignan nya ang ID Picture.. Napaskil doon ang feslak ng gwapong nakaapak sa kuko nyang malapit ng mamatay ngayon.

Narealize nya rin sa wakas na ID yun ng lalake.. Napangiti sya.

Tapos biglang sumagi sa isip nya ang mga huling salita ni John Rock kagabi..

‘Bukas.. Makikilala mo na sya.’

‘Pag nakilala mo na sya.. Wag mo syang pakakawalan. Kung hindi. Magsisisi ka..’

The Yellow HankyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon