Chapter 4 Boy Hunt?
Tuliro pa rin si Cleo hanggang mailabas ito sa ABC Boutique. Hindi pa rin makausap ng matino. Nagpasya ang kambal na dalhin sya sa DEF resto para kumain. Iniisip kasi nila na nagugutom lang ito. Ang kaso.. Nung nandun na sila. Nung kakain na sila.. Bigla na lang atang nasapian si Cleo sabay ubod ng lakas na umiyak. Lahat ng tao sa resto napatingin sa kanila.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah!” iyak nya talaga.
Hindi na malaman ng kambal kung paano patatahanin ang kaibigan.
“Cleo.. Tama na.”
“Ang kapal ng mukha nya! Hindi sya marunong mahiya. After all these years hindi pa rin nya matanggap na naging kami at dapat talaga ipakilala nya ako bilang OLD FRIEND? Syet. Mamatay na syaaaaaaa. Waaaaaaaaah.” Iyak ni Cleo.
“Hayaan mo na yung unggoy na Leong yun! Mukha namang cheap yung girlfriend nya e! Tama na yan. Dapat di ka umiiyak sa mga lalakeng tulad nya.” Sabi ni Bella.
Napaisip naman si Cleo sa narinig. Tama. Dapat hindi na sya nagsasayang pa ng luha para sa mga lalakeng gaya ni Leo. Wala itong puso. Walang balunbalunan. Walang liver. Walang lungs. Hindi marunong maawa. Hindi alam ang meaning ng LOVE.
“Alam nyo..” kumuha sya ng tissue mula sa table. “Tama kayo e.” pinahid nya ang luha.
Bumalik na ulit sa normal ang DEF Resto.
“Hindi dapat ako umiiyak sa mga tulad nyang lalake.. Wala syang kwenta. Wala syang halaga at higit sa lahat.. EX KO SYA! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah.” Iyak na naman nya.
Hindi pa nga sya nakakamove on kay Leo. Hahahahaha. Kawawang Cleo.
“Cleo dela Cruz tumigil ka na!” utos ni Bella na galit na rin. “Hanggang kelan mo hahayaan na saktan ka ng lintek mong ex?! Dapat makalimutan mo na sya. Hindi mo yan magagawa kung hindi mo tuturuan ang sarili mo. At lalong hindi mo yan magagawa kung hindi ka namin tutulungan!”
Napatigil ulti si Cleo, this time for real.
“What do you mean?”
“Matagal na naming ‘tong pinaplano and today is the perfect day to execute this wonderful plan..” seryoso namang sabi ni Bella.
“Anong plano ba yan?”
“Boy hunt!” masayang wika ni Danielle as if magandang balita ang sinabi.
“Boy hunt? Saan naman?”
“Saan pa ba? E san ba maraming gwapo?!” tanong ni Bella.
“San nga ba?” tanong din ni Cleo saka nag-isip ng mga lugar na pwedeng makahanap ng sangkaterbang GWAPO.
“Sa Durmstrang High..”
[Author's Noteeeeee]
Oh @eiLeyn. Para sa'yo 'to. Hahahaha. Good night sa'yo~
Ayyy. Pinalitan ko nga pala ang name ng school ni Cleo. Ginawa ko ng Beauxbaton High.
Disclaimer: I do not own Beauxbaton and Durmstrang. All rights go to J.K. Rowling. Close kami e! Hahahahaha