Chapter 6

218 2 3
                                    

Chapter 6  Sour Escape

Napatakbo sa takot ang tatlo dahil kay Manong Guard.

Pagpasok sa loob ng Diagonalley Building.. Nagkahiwa-hiwalay na ang 3. Si Bella pumunta sa left wing ng groundfloor building. Si Danielle naman sa right wing. Si Cleo? Dumiretso sa second floor! Ayos! Hahaha

At dahil sya ang naabot ng flash light ni MG nung sumunod ito sa kanila sa loob ng bldg, sya tuloy ang hinabol.

*PRRRT*

Dinig nya na pito ni MG na malapit na sa kanya. Panay na ang kabog ng dibdib nya. Hahaha! Matakot ka na Cleo. Now na! Haha Nung nararamdaman na talaga nya na papalapit na si MG sa kanya dahl na rin sa palakas na palakas ng mga yabag nito.

Napadaan sa isang room na nakabukas ang pinto si Cleo at dali-daling pumasok doon. Isinara nya ang pinto saka sumandal sa likod nito. Pigil ang hinga nya na hinintay na dumaan si MG. Nang marinig nya ang mga yabag ni MG na nakadaan na, nakahinga sya ng maluwag.

Kinuha nya ang dilaw na panyo mula sa bulsa nya at pinunas ang pawis sa noo. Yung dilaw nyang panyo.. yun yung project nya sa Home Economics class nila. Pinagawa kasi sila ng panyo na may nakaburdang mga pangalan nila. Tapos ayun. Since then, yun na ang paborito nyang gamitin.

"Cleo. Buhay ka pa!" tuwang tuwa nyang sambit sa sarili! Tapos napatingin sya kwartong napasok nya. Mukha itong chemistry laboratory. May mga table at cabinet na may mga apparatus na gamit sa isang chem class. Iginala pa ni Cleo ang tingin sa paligid ng kwarto nya hanggang sa magtama ang paningin nila ng pinaka gwapong nilalang na nakita nya.

The Yellow HankyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon