Chapter 3

242 2 0
                                    

Chapter 3 Mall Rats

Tumigil ang hinire na taxi ng kambal na Padilla sa tapat ng Loel Plaza.

“T.. Teka! Nasan tayo?” tanong nya.

“Nasa MALL tayo hija!” nakangiting sabi ni Danielle.

Nagtataka syang tumingin sa dalawa.  “Anong gagawin natin dito?”

“Eh ano bang ginagawa sa mall?” tanong ni Bella.

“Shopping?” sagot ni Cleo. Actually hindi yun sagot e, tanong yun! Hahahaha

“Mismo!” sabay na naman na sagot ng kambal saka hinila sya papasok sa Loel Plaza.

Pumasok silang tatlo sa ABC Boutique. Dealer ang ABC Boutique ng mga Designer Clothes from Paris dito sa Pilipinas.

“Ano bang ginagawa natin dito?” nagtataka paring tanong ni Cleo matapos syang bitiwan ng dalawa saka ito nagpunta sa mga pile ng damit para maghanap.

“Edi bibili ng damit! Ayaw mong gumala ng nakauniform di ba?” nakangiting sabi ni Bella tapos ay iniabot ang isang bestida kay Cleo.

Kinuha yun ni Cleo, “Pero..” pagtanggi pa sana nya.

“Oh ito pa!” marami pang iniabot si Danielle na mga damit sa kanya. “Sukatin mo na dali!” excited na wika nito.

“Kayo talaga! Hay nakoooo..” napailing si Cleo sa kapilyuhan ng mga kaibigan. “Akin na nga. Nakakahiya  namang TUMANGGI!”

Syempre dahil hindi naman talaga nya kayang tanggihan ang KABAITAN ng mga kaibigan.. Ayun. Kinuha nya ang mga ibinigay nito.

Pumasok sya sa loob ng fitting room saka nagsukat ng mga damit.

Kinuha nya ang isang blue printed na dress na hanggang tuhod na may manipis na belt tapos killer heels na kulay fenk. Nung satisfied na sya sa hitsura lumabas sya para ipakita iyon sa mga kaibigan.

“No.” Iling-iling ni Bella.

Muli syang bumalik sa loob saka sinukat ang isang pink tank, corset top tapos belt at skirt. Napangiti sya ng makita nag repleksyon sa salamin. Muli syang lumabas para ipakita ang kasuotan sa mga kasama. Nung lumabas sya, si Danielle ang sumalubong sa kanya.

“Try another one dear..” suhestyon ni Danielle.

So walang choice si Cleo kundi muling magsukat ng damit. Hindi na nya alam kung paano pa paglalaruan ang mga damit na ibinigay sa kanya para isukat kaya naman kinuha na lang nya ang isang kulay brown na jumper na may brown striped top na panloob tapos sneakers.

She looked at herself on the mirror. She was very pleased with what she saw. She looked cute on her outfit. Siguro naman magugustuhan na ito ng dalawa sa labas..’ isip-isip nya bago hinawi ang kurtina.

Nung lumabas sya..

“Okay na ba—“ tanong nya sana pero nagulat sya sa tumambad sa kanya.

Si Leo. Yung ex nya. Nakatayo sa labas lang ng fitting room.

Narinig ni Leo ang tanong nya at mukhang nabosesan sya nito. Nagkatinginan silang dalawa. Tumigil na naman ang mundo.

Kapwa nila hindi malaman ang gagawin. Awkward na lang na ngumiti si Leo saka nag “Hi!” kay Cleo.

Pero bago pa makasagot si Cleo nga “Hello!” Bigla na lang may palakang umepal sa eksena..

“Baby.. Okay na ba ‘to?” tanong naman ng isang babaeng lumabas mula sa kabilang cubicle.

“Ha?” sagot ni Leo sa babae. Lumabas ang babae saka lumapit sa kanya.

Bago na naman nyang girlfriend. Waaaaaaaah.

Ayaw sanang tignan ni Cleo ang mukha nito dahil baka madisappoint na naman sya pero hindi talaga nya napigil, napatingin pa rin sya sa babaeng ito.

Maganda.

Yun ang tanging salita na naassociate ni Cleo sa mukha ng bagong girlfriend ni Leo. Bumagay pa rito ang suot nitong little black dress na pinarisan rin ng itim na belt tapos bracelet sabay super dangling modifier.. este dangling earrings sabay heels na nakamamatay.

Para syang BASURA kung ikukumpara sa hitsura ng babaeng ito. Gusto na nyang maiyak. Hindi talaga sila bagay ni Leo. Kahit na kailan.

Napansin ng girlfriend ang palitan ng tingin ni Leo at Cleo.

“Baby.. Do you know..” tanong nung guralaloong mukhang progeltang binabad sa asin sa puti tapos sabay tingin kay Cleo mula ulo hanggang paa and vice versa, “Her?” wika nya bago tinapos ang tanong.

“Ahh..” sagot ni Leo na parang saka lang nakabalik sa senses nya. “JANICE.. This is Cleo.. an..” nagdadalawang isip pa si Leo kung paano nya iintroduce si Cleo sa girlfriend nya. “An.. Old friend.”

Nagulat si Cleo sa narinig. ANO DAW SYA? OLD FRIEND? HUWEEEEEEEEEEEEH!

Hahahahahahaha. Gusto na nyang manapak dahil sa narinig mula kay Leo. Kung wala lang talaga syang pinag-aralan nakasipa na ata sya ng lalakeng mukhang paa.

Nanatiling matatag si Cleo.

“And Cleo.. This is Janice Alvarez.. My girlfriend.” Nakangiting pagpapakilala ng lintek na proud ex boyfriend ni Cleo sa bago nitong girlfriend.

“Hi!” nakangiti rin pagbati ng babae kay Cleo. Naglahad ito ng kamay para sa hand shake.

Dahil may pinag-aralan naman daw si Cleo inabot nya yun.

“Nice meeting you old friend..” wika ni Janice sa kanya.

Binitiwan ni Cleo ang kamay nya, “Pleased to meet you too.. Girlfriend.”

Naging tensyonado bigla ang paligid. At bago pa nga magrambulan sa loob ng ABC Boutique.. Agad na sinave ni Bella at Danielle ang kaibigan nilang si Cleo na mukhang handa ng manakit kahit na mannequin.

“Cleo.. Halika na!” Yaya ni Danielle sa kanya. Tapos hinila na ni Danielle si Cleo palayo sa dalawa.

“Miss.. Babayaran na namin ‘to.” Wika naman ni Bella saka kumuha ng cash mula sa wallet at iniabot sa saleswoman.

[Author's Noteeeeee]

May nagbabasa pala nito? Salamat ah! :*

The Yellow HankyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon