Chapter 7

202 2 1
                                    

 Chapter 7 Angel Man

Narealize ni Cleo na hindi sya nag iisa sa madilim na silid na iyon. Dahil sa kabilang bahagi lang ng silid, malapit sa bintana, nakaupo ang isang gwapong binata na nakatingin sa kanya.

He has deep brown eyes, the deepest she has ever stared at. He has an ebony messy black hair. Perfectly chiseled nose, tempting red lips. Cleo couldn't take her eyes off the beautiful creature. She couldn't look away. Under the moon light that passes through the window, he shines like an angel.

For the first time after 2 years, nakalimutan ni Cleo ang kasuklam-suklam na hitsura ng ex nya maging ang pangalan nito. Nakalimutan nya na si Leo. Ang gusto lang nya ngayon, ang nakikita nya sa harapan nya.

Akala nya nananaginip lang sya. Hanggang sa nagsalita ang anghel, "Anong ginagawa mo dito?"

Mukha rin itong JD. Pero may pagkadecent. HOT! Hahahaha. Suot nito ang uniform ng Pendleton. Nakaitim na slacks at white chucks. Nagmukha itong gangster dahil na rin sa loose tie nito at ang hindi maayos na pagkabutones ng white longsleeve nitong suot. Nakasabit sa balikat nito ang itim na coat (?). Actually, mukha talaga syang bsahan. Di ko alam kung bakit anghel ang gustong description ni Cleo sa kanya.

Hindi nakasagot si Cleo sa tanong nito. Labis syang namangha dito.

"Magnanakaw ka ba? Wag dito. Wala kang makukuha dito. Puro basura ang mga bagay dito." wika ng lalake sa kanya na kung magsalita parang ang tagal na nitong naglalagi sa lugar na napasok ni Cleo.

"Hindi ako magnanakaw. Nagtatago lang." sagot nya sa hambog na extrang hero.

"Oh? Bkt ka naman nagtatago? May kasalanan ka? Mga guilty lang ang nagtatago.."

Aba! Ubod nga naman ng yabang ang gwapong ito!

Tinignan ng masama ni Cleo si pogi, "FYI. Nadamay lang ako dito. Hindi ko naman ginusto na pumunta sa lugar na 'to e."

"E bakit ka napunta dito?" tanong ni Pogi saka tumayo at naglakad papalapit kay Cleo.

"Kasi magboboy hunt daw kami.. Malay ko bang ganito ang aabutin namin dito?" honest na sagot ni Cleo sa kausap. Haha. Para namang close sila ng kausap nya.

Tumigil si Pogi sa tapat ni Cleo, "At nagtagumpay ka naman?" nakangiti nitong tanong.

"Ha?" Nagtatakang tanong ni Cleo na di pala namalayang nakatanga na sya sa kaharap.

Pinunas ng pogi ang kung ano malapit sa labi nya gamit ang thumb nito, "Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo? Tumutulo na kasi ang laway mo." nakangiti nitong sabi na di mo mawari kung nang aasar o nagpapatawa. "Your name?" tanong nito.

"Cleo.." awtomatiko namang sagot ng gaga.

Muling naglakad si pogi papunta sa initial pwesto nya.

"Cleo. Got nice name."

Namula si Cleo dahil dun.

"Ano? Tatayo ka na lang ba dyan?" tanong nito kay Cleo na naiwan pa ring nakatayo sa kung nasaan ito.

Parang robot na naglakad papunta malapit sa kung nasaan ang lalake.

"Ang ganda ng buwan.." rinig ni Cleo na bulong nito at sabay silang napatingala sa kalangitan upang masdan ang bilog at malaking buwan.

‘Sino kaya sya? Estudyante kaya sya dito?’-Cleo

Mukha syang estudyante. Pero ano naman kaya ang ginagawa nya sa lugar na ito e gabi na? Tapos wala pang pasok.. isa rin kaya sya sa mga estudyanteng hindi nakikinig sa mga announcement sa klase gaya nina Cleo at ng mga kaibigan nya? Sa sobrang pagkacurios.. Hindi na tuloy napigilan ni Cleo ang sarili. "Estudyante ka ba dito?" tanong nya sa lalake.

"Obvious ba?" maangas na tugon ng lalake sa tanong nya.

Tumahimik si Cleo.  Baka kasi masapak pa sya pag nagtanong pa sya ulit! Hahaha

"Sensitive ka pala," mahinang sabi ng lalake sa kanya. "Epekto ba yan ng break up nyo ng ex boyfriend mo?"

Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Cleo. "Paano mo nalaman?"

Tinuro nya ang mata ni Cleo. "Yung mata mo.. Namumula. Kagagaling mo lang sa pag iyak 'no?"

'Ang weirdo naman nito..' –Cleo.

Hindi sya sumagot tinignan lang nya ang lalake.

"Alam mo mabuti pa magkwento ka muna," biglang feeling close na request ng lalake.

"Hahanapin ko pa yung mga kasama ko.." pag tanggi nya. Ayaw na nyang magtagal pa sa lugar na iyon kung maaari.

“Wag kang mag-alala.. Pupunta sila dito mamaya para hanapin ka.” Pag-aassure ng lalake sa kanya.

Naks. Fortune teller naman pala! Hahahahahaha

“Pero..” pigil pa ni Cleo. Hanggang sa mapatingin sya sa dumudugong kamay nito. “Anong nangyari dyan?” tanong nya as though close silang dalawa.

Inilayo ni pogi ang kamay sa kanya, “Wala ‘to..”

Hindi na nagtaka si Cleo sa nakita. Nasa Durmstrang High sya. Eskwelahan ng mga Deliquents. Malamang uso talaga ang gang fights dito. Di na sya nagtataka kung bakit may ganitong scenario dito.

Hinawakan nya ang kamay ng lalake saka tinignan ang sugat nya.

“Hindi ‘to malalim..” sabi ni Cleo tapos ay naghanap ng  first aid kit sa loob ng kwarto. Nakakita naman sya. Kahit walang pahintulot, kinuha nya yun saka ginamot ang lalake. Nung nalinisan nya ang sugat at nagamot ito.. Kinuha nya ang yellow hanky nya sa bulsa saka ginamit para ibenda ang kamay ng lalake.

“Ayan.. Okay na yan.”

“Salamat..”

The Yellow HankyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon