Chapter 2 Late
Nagmamadaling pumunta si Cleo sa eskwelahan. Hindi na nya pinagtuunan pa ng pansin ang mga mapanghusagang tingin na binabato sa kanya ng mga nakakasalubong. Yung mga tingin na parang kasalanan ng magsuot ng uniform. Hindi nya mawari ang problema ng mga progletang nasasalubong nya basta sya desidong makatuntong sa paaralan nila bago man lang sana mag alas-otso y media.
Malakas ang kabog ng dibdib nya habang binabaybay ang daan papunta sa eskwelahan nila. Hindi na kasi nag-effort pa ang jeep na sinakyan nya para lumiko at ibaba sya sa tapat mismo ng paaralan nila dahil nga isa lang syang pasahero. Nagtataka nga sya kum bakit mag-isa lang ata sya sa sasakyan na yun. Para kasing walang tao sa school.
Tumigil sya sa tapat ng Gate 1 ng school nila saka napansin na nakalock ang gate at wala ang guard. Wala ring ingay na nanggagaling sa loob kaya naman malamang, walang tao. Nakasarado rin ang mga establisyemento sa tapat ng eskwelahan nila. Nagmistulang ghost town ang kahabaan ng Privet St.
Ilang saglit pa syang tumayo roon saka hinanap ang mga kaibigan.. ‘Ano bang nangyayari? Nasaan sila?’ bulong nya sa sarili.
Napakapit sya sa backpack nyang ala-Dora saka luminga-linga mula kana pakaliwa tapos taas baba.
Mula sa malayo, maagaw ang atensyon nya ng dalawang babaeng estudyante na nakasuot rin ng uniporme kagaya ng sa kanya na tila nagtatalo.
“Darating ba yun?!” tanong ng isa na may hanggang sa balikat na buhok na kulay chestnut. May clip ito sa buhok na humaharang sa nahuhulog nyang bangs at boyish kung kumilos.
“Oo naman!” tugon ng isa na may gupit at kulay ng buhok na katulad din ng naunang babae pero kulot nga lang sya. Girly naman ito kung maglakad.
Mapapatingin ang dalawa sa direksyon ni Cleo saka magtatatalon ng makita sya. Tatakbo ang dalawa palapit sa kung nasaan si Cleo. At marerealize naman ni Cleo na ito ang mag kaibigan nya. Ang kambal na Padilla! Si Bella yung girly na curly. Si Danielle naman yung straight na boyish. Hahahaha
“Waaaaaaaaaa. Dumating ka!” iyak ni Danielle sa kanya.
“Sabi na nga ba hindi mo kami bibiguin!” tuwang-tuwang sabi ni Bella.
Hindi maintindihan ni Cleo ang pinagsasasabi ng dalawa kaya naman nagdesisyon na syang magtanong, “Ahh.. Ano bang nangyayari? Bakit parang..” nilipat nya ang tingin mula sa dalawa papunta sa eskwelahan nila. “Walang tao sa loob?”
Napabitaw naman si Danielle at Bella mula sa pagkakayakap kay Cleo.
“Ahhh.. Yun ba? Ano..” nauutal na sagot ni Bella sa kanya. Si Danielle naman hindi makatingin ng diretso.
“May hindi ba kayo sinasabi sa akin?” tanong ni Cleo at tinignan ng masama ang dalawa.
“Ha? Wala kaming secrets ‘no! Ang totoo kasi nyan.. Akala namin alam mo. Yun pala hindi..” nahihiyang sabi ni Bella.
Mas lalong naningkit sa galit ang mga mata ni Cleo. “Baka naman gusto nyo ng i-share?” wika nya saka humakbang papalapit sa dalawa.
Napaatras naman ang dalawa dahil dun, “Ito naman oh! Oo na. Sasabihin na!” hindi na mapigil na wika ni Danielle.
“Sabihin nyo na!” sigaw ni Cleo sa dalawa.
“WALANG PASOOOOOOOOOOK!” sabay naman na iyak ng kambal.
“ANO?! P@&>#%^&*!” galit na tanong ni Cleo. “WALANG PASOK? WALANG PASOK TAPOS HINDI NYO MAN LANG SINABI SA AKIN? Nag-effort pa akong pumunta sa school dahil sabi nyo malelate na ako e alam nyo naman pala na walang pasok?!” bulyaw nya sa dalawa na napaatras pang muli dahil sa takot.
“E.. E Cleo hindi rin naman namin alam na walang pasok. Pag dating naming dito sarado na yung school.. Tapos nalaman namin may seminar pala yung mga teachers all over the city kaya walang klase ngayong araw. Biglaan lang naman ‘to. Hindi rin naannounce kahapon.” Mangiyak-ngiyak na na pag-eexplain ni Bella sa galit na galit na si Cleo.
Hindi nagsalita si Cleo, tumalikod lamang ito sa dalawa.
“C-Cleo.. Galit ka ba?!” tanong ni Danielle.
“Syempre..” wika ni Cleo, tapos humarap sa dalawa, “Syempre HINDI! Hahahahahahahaha!” sabay tawa nya ng malakas. Ang totoo nyang, tawang-tawa na sya nung makita ang takot mula sa mata ng mga kaibigan kanina. Asar man sya dahil sa ginawa ng mga ito, hindi naman nya magawang magalit dito.
Napangiti na lang ang kambal sa kanya.
Napailing si Cleo ng maalala ang mga pinagdaanan kanina. “Kaya pala ganun ang tingin ng mga tao sa akin kanina nung nagalakad ako.. Kaya pala walang sakay ng jeep papunta dito. Wala palang pasok.”
“Sorry Cleo!”
“Wala yun. Nakooo. Akala ko naman hindi na naman tayo nakinig sa announcement sa klase kasi tayong tatlo na naman ang nandito.. Hanggang kelan naman daw yung seminar?” natatawa nyang sabi. Ganun kasi yun. Twing may announcement silang tatlo ang hindi nakakarinig dahil na rin sa ingay at daldalan na lagi nilang ginagawa sa loob ng classroom.
“One day lang daw..”
“Ahh.. Oh edi umuwi na tayo. Wala naman palang klase e!” yaya nya sa dalawa.
“Ha?! Wag muna tayo umuwi!” pigil ni Danielle.
“Bakit? Wala na rin naman tayong gagawin ah!” sabi ni Cleo.
“Hindi kami pwedeng umuwi! Nasa bahay si Tita Mynette! Uutusan nya lang kami dun.” Sabat ni Bella.
Nagsalubong ang kilay ni Cleo sa narinig. Mayaman ang mga Padilla. Malaki ang bahay ng mga ito at marami naman silang katulong. Bakit naman sila uutusan ng Tita Mynette nila na kauuwi lang mula sa London kahapon?
“Weh?” wika na lang nya at hindi kumbinsidong tugon sa dalawa.
“Totoo Cleo! Alam mo naman ang ugali ni Tita Mynette. Ayaw nun na nag-uutos sa mga katulong! Masyadong precious ang mga katulong para sa kanya kaya naman mas maatim nyang alilain kami kesa mag-utos sa mga mahal nyang kasambahay!” bitter na sabi ni Bella.
Naalala nga ni Cleo.. Nung minsan na pumunta sya sa tahanan ng mga Padilla.. Nandun ang Tita Mynette nila at ang utos palaging napupunta sa dalawa nyang kaibigan. Napatango na lang si Cleo sa kwento ng dalawa.
“E anong gagawin natin kung hindi tayo uuwi?!” nagtataka nayng tanong.
“Gala!” sabay na sagot ng kambal sa tanong nya.
‘Kung sa bagay.. Maganda yung gawin ngayon!’ naisip ni Cleo.
“Oh sige..” sang-ayon nya sa plano ng dalawa. “Pero.. Umuwi muna tayo sandali. Ayokong gumala in uniform.” Suggestion nya.
Muli naman tumutol ang dalawa.
“Wag na! Hindi kami pwedeng umuwi. Pag umuwi kami hindi na naman kami makakbalik.”
“Eh hindi naman tayo pwedeng maglakad-lakad sa kalsada na nakauniform!” wika ni Cleo. “Anong gagawin natin ngayon?”
Nagkatinginan ang kambal saka napangiti.
“Kami na ang bahala sa’yo!” sabay nilang sabi tapos ay hinawakan si Cleo sa magkabilang braso tapos ay nagmartsa palayo sa eskwelahan nila.