Chapter 9

188 2 1
                                    

Chapter 9  Diagonalley Building’s Secret

Dahil nga sa labis na pagtataka, minabuti ni Cleo na muling bumalik sa Durmstrang High. Pagtapos ng klase sa Beauxbaton.. Dumiretso na sya dun. Kahit na delikado, desidido sya sa gagawin. Kailangan nyang mahanap si John Rock para maliwanagan sya. Malapit na syang mabaliw kung hindi nya ito gagawin.

Mahigpit ang security sa Durmstrang kaya naman inabot pa ng tatlong taon bago nya napapayag si Manong Guard na makapasok sya sa loob. Ang dami nya pang dinahilan e.

Wala na talagang kahihiyan si Cleo. Kahit na may mangilan-ngilan pang estudyante sa loob ng Durmstrang at kahit suot pa nya ang uniporme ng Beauxbaton.. Nagtuloy-tuloy sya sa pagpasok. Hindi nya pinansin ang mga nakasalubong na gwapo. Si John Rock ang gusto nyang makita.

Agad syang nagtungo sa Diagonalley Building.

Pagdating doon, pumanhik sya sa ikalawang palapag at pumunta sa silid na pinasok nya kagabi. Pero laking gulat nya nung makita na nakalock ang silid na iyon. Yung room na parang laboratory. Yung room kung saan nya huling nakita si John Rock.

Nakapaskil sa pinto ng silid na iyon ang mga salitang : RESTRICTED AREA

Hindi talaga naiintindihan ni Cleo ang mga nangyayari.. Hanggang sa may faculty member na nakakita sa kanya.

“Excuse me.. Anong ginagawa mo dito?” tanong ng guro sa kanya na parang nasa early 30’s na ito.

“Po? M-may.. May hinahanap po sana ako.” Sagot nya.

“Restricted Area ang lugar na iyan. Sino ba ang hinahanap mo? Kuya mo? Nakababatang kapatid?”

“Hindi po.. Ahh. May estudyante po ba kayong John Rock Martinez dito?” tanong nya na lang.

Nag-iba ang timpla ng mukha ng guro sa pangalang binanggit nya.

“Ano ‘ka mo hija? John Rock Martinez ba?” tanong ulit ng guro sa kanya.

“Opo! John Rock Martinez nga po. Kilala nyo po ba sya?” nakangiting tanong ni Cleo sa guro.

Dinala sya ni Professor Jonalyn sa parang faculty room at doon sila nag-usap.

“Bakit mo hinahanap si John Rock?” tanong nito ng maupo silang dalawa.

Biglang napaisip si Cleo.. Kung sasabihin nya na kakausapin nya si John Rock dahilsa nangyari kagabi baka maungkat pa ang pagpuslit nilang tatlo nina Bella at Danielle sa Durmstrang. Minabuti na lang nya na hindi sabihin ang tunay na pakay, “Ahh.. May kailangan lang po ako sa kanya.”

May kinuha mula sa drawer ang guro.

“Hindi mo ba nabalitaan ang nangyari sa kanya?”

Gulat na napatingin si Cleo kay Prof Jonalyn. “Po?”

“Patay na si John Rock..”

Nanlamig ang buong paligid ni Cleo. Hindi sya makapaniwala sa narinig. “Ha? Paano naman po yun nangyari? E kagabi lang kausap ko pa sya..”

“Imposible yang sinasabi mo.. Kagabi.. Kagabi yung 3rd death anniversary nya.”

Gusto ng maiyak ni Cleo sa narinig. Imposible talaga ‘to. Kausap nya kaya si John Rock kagabi.

“Namatay si John Rock nung nasunog itong Durmstrang Building three years ago..” kwento ni Professor Jonalyn. “Hindi inasahan ng lahat ang maaga nyang pagkamatay.. Naiwan sya sa loob ng lumang chemistry laboratory.. Kung ano ang ginagawa nya nung gabing nangyari ang aksidente, walang nakakaalam.. Isa si John Rock sa mga promising na student ng Durmstrang. Yun nga lang, may pagkapilyo talaga.. Di na yun maaalis. Deliquent e.” nangiti si Prof Jo as though isang masayang alaala ang sumagi sa isip nya.

Hindi talaga sya makapaniwala. Gusto ng magwala ni Cleo.

“Ito..” inabot ni Prof Jo ang isang picture. “Ayan si John Rock..”

Kinuha ni Cleo ang litrato saka tinignan. Laking gulat nya ng makita ang John Rock na sinasabi ni Prof Jo at ang John Rock na kausap nya kagabi! Iisa lang ito.

Ang mga mata.. Ang ilong.. Ang labi. Walang duda, si John Rock nga!

“Kuha yan after ng celebration ng foundation day ng school.. Puro pasa pa ang mukha ng batang yan. Mukhang kagagaling lang sa gang fight.”

Oo. Ganun nga ang mukha ni John Rock. Pero kahit na ganun.. Hindi pa rin talaga maitatanggi ang kagwapuhan nitong taglay.

Cleo examined the photo. Hanggang sa maagaw ang atensyon nya ng nakabendang kamay ni John Rock. Yung nakabenda kasi doon. Yung telang nakabenda sa kamay ni John Rock. Yun yung panyo nya. Hindi sya pwedeng magkamali.. Yun yung dilaw nyang panyo at nakaburda doon ang letra ng pangalan nya.

Her yellow hanky. 

The Yellow HankyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon