Chapter 8 Premonition?
At kahit hindi kilala ang lalake, nagtiwala naman agad si Cleo dito. Kasi nga.. GWAPO! Hahahaha
Ayun. Nagkwentuhan sila.. Nakwento na nya lahat ng pwede nyang ikwento sa hayop nyang ex na si Leo. Ang lalake naman, tahimik lang na nakikinig sa kanya. Hindi alam ni Cleo kung bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam nya sa estrangherong kausap. Feeling nya tuloy asawa nya ito nung past life nya. Kung makapag-FEELING naman! Hahahahaha
Kahit medyo may pagkahambog ito ramdam nya na may puso pa rin ito. Hindi tuloy nya maiwasang isipin na.. Ito na si THE ONE. Kinikilig tuloy sya.
Sa sobrang kwentuhan nilang dalawa.. Hindi nya namalayan na umabot na pala sila ng 11 ng gabi.
“Halaa. 11 na!” sabi ni Cleo. Ayan. Napasarap sa kwentuhan e. Hahahaha
Mula sa labas.. Maririnig ang tinig ng dalawa pang babae.
“CLEOOOOO! CLEOOOOOOOOOOOOO!”
Si Bella at Danielle! Hinahanap na sya!
“Oh. Nandyan na ang mga kaibigan mo!” wika ng lalake.
“Oo nga.. Paano mo nalaman na hahanapin nila ako?” nagtataka nyang tanong sa tumamang hula ng lakake.
Ngumiti lang ang lalake, “Umuwi ka na.. Hinahanap ka na sa inyo.”
“Hindi ka pa ba uuwi? Baka mahuli ka ng gurad dito..”
Umiling si pogi, “Hindi.. Dito muna ako. Tinitignan ko pa yung buwan.”
Tumango naman si Cleo. “Weird.. Oh sige. Mauna na ako ha!” Tumayo na siya saka naglakad papuntang pintuan.. Tapos naalala nya, hindi pa nga pala nya natatanong ang pangalan ng kausap. “Ay teka.. Ano nga pala yung pangalan mo?” tanong nya dito.
“Akala ko hindi mo na itatanong,” napangiti ang lalake.. “John Rock.. John Rock Martinez.”
“Ahh..” patango-tangong sagot ni Cleo. Nung muli na sana syang maglalakad para lumabas sa silid na yun, muli syang tinawag ni John Rock.
“Cleo,”
Syempre. Lumingon sya.
“Bukas.. Makikilala mo na sya.”
“Sinong sya?”
“Basta! Siya. Pag nakilala mo na sya.. Wag mo syang pakakawalan. Kung hindi. Magsisisi ka..”
Naguguluhan man sa sinasabi ni John Rock sa kanya, “Okay.. Salamat John Rock!” tapos kumaway sya saka hinawakan na ang door knob para buksan ang pinto. Sakto naman na pagbukas nya, nandun na si Bella at Danielle.
“Cleo!” sigaw ng kambal.
“Kanina ka pa namin hinahanap. Mamaya nandito na naman yung guard! Bilisan na natin. Kailangan na nating umalis..”
“Ha? Ganun ba? Teka.. Si John Rock baka—“ lumingon si Cleo para tawagin sana si John Rock na wala pang balak umalis. Nagwoworry kasi sya na baka mahuli rin ito na Manong Guard.
Pero wala na ito sa pwesto nito. Wala na si John Rock. Wala ng tao sa loob ng silid.
“John Ano?” tanon ni Danielle na hindi narinig ang pangalang sinabi ni Cleo.
“Si John Rock! Kanina lang nandito sya!”
“Cleo. Walang tao.. Nakikita mo ba?!”
“Hindi. May kasama ako dito kanina!” pag-iinsist ni Cleo.
“Cleo. Mamaya nandito na si Manong Guard. Tara na!”
Hinila na sya ng kambal.
Hindi nakatulog si Cleo nung gabing yun. Nagtataka sya sa biglang pagkawala ni John Rock. Naisip tuloy nya nab aka naghahallucinate lang sya kanina. Pero hindi.. Nagkwentuhan sila. Matagal silang nag-usap. And speaking of usap.. Hindi rin mabura sa isip nya ang sinabi ng binata.
‘Bukas.. Makikilala mo na sya.’
‘Pag nakilala mo na sya.. Wag mo syang pakakawalan. Kung hindi. Magsisisi ka..’
Ano ba ang ibig sabihin ni John Rock nung sinabi nya yun? Sinong SIYA?