The Yellow Hanky Book Two ~ Chapter 3

15 0 0
                                    

Chapter 3

“Good evening ladies..” Bati sa kanila nung lalake na biglang sumulpot sa ilalim ng poste.

Napalunok si Bella, Danielle took one step backward while Cleo remained as stiff as she could.

But despite their different actions, mababakas ang horror sa mukha ng tatlo. Noong nakangiting lumapit sa kanila ang lalake, all of them took a step back at mabubunggo nila ang dalawang lalake na sa malamang sa malamang e tropa nung malaking lalake sa ilalim ng post. Napalingon silang tatlo, nakangiti rin ang dalawang ito sa kanila maniacally. Umatras naman sila palayo sa dalawa.

“Gabi na a. Ba’t napadalaw kayo sa school namin?” Tanong nung malaking tao na mukhang hippopotamus na adik habang naglalakad palapit sa tatlo.

“S-sino kayo?” Tanong ni Cleo.

“Hindi ba dapat kami ang magtanong nyan sa inyo? We’re from this school after all..” Wika naman nung payat na may crooked teeth sa likod nila.

Bago pa makasagot ang isa sa tatlo e napalibutan na sila ng tatlong lalake.

No one moved.

“Hindi ba kayo sasagot?” galit na tanong ni hippo.

“Why would we do that? Sino ba kayo para sabihin namin kung sino kami?” sagot ni Cleo.

Asar pero amused na lumapit si hippo kay Cleo, “Acting brave huh.. “ wika nito saka hinawakan ang pisngi ni Cleo. “Gusto ko yan..”

YUCCCCCCK! Kaderder much.

“Mabuti pa sumama na lang kayo sa amin..” Yaya nung hippo. “We’ll make this night interesting and lovely for the three of you.. Para naman di masayang ang effort nyo sa pagdalaw sa amin dito.” wika nung Hippo. The nerve. Sila daw ang pinunta nung tatlo? Hahaha. ASA mehn.

At bago pa hawakan ng hippo ang kamay ni Cleo, sinampal na agad nya ito.

*PAAAAAK*

Mag-apply din ng sound effects sa sinusulat para mas feel. HAHA.

Napaatras ang hippo sa lakas ng sampal ni Cleo.

GASP! Ang narinig sa mga tao.

“C-Cleo..” bulong ni Bella.

Sobrang na-shock talaga ang lahat sa ginawa ni Cleo. Napayuko pa si hippo at sa pag angat nya ng ulo nya, maaaninag ang dugo malapit sa labi nito. His eyes were blazing with anger the next time he looked at Cleo. Para na itong leon na mangangagat sa isang kibot mo lang. Pati mismong mga alipores nya e napaatras sa takot.

“Sino ka sa tingin mo para gawin yon?!” Sigaw ni hippo.

Nastranded ang hangin at mga salita sa lalamunan ni Cleo. Sobrang nakakatakot si hippo. Walang sumagot sa tanong nya. The hippo growled again. Hanggang sa may nagsalita..

“Girlfriend sya ni Alexander Vergara! Si Cleo dela Cruz.” Buong tapang na wika ni Bella.

The Yellow HankyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon