Chapter 1 The End
“Cleo.. I want to break up with you.”
Bulong ni LEO ng tumigil silang dalawa sa paglalakad.
Nasa tapat na sila ng bahay nila Cleo.. Konti na lamang at handa ng magpahinga ang bruha dahil sa nakakapagod na gala nila nung araw nay un. Pero nung narining ni Cleo ang sinabi ng nobyo nya, bigla na lang nawala ang pagod nya.
“Break up?! Ikaw Leo wag mo nga akong pinaglululoko!” natatawa nya pang wika.As though leo told her a very funny joke. Hindi sya makapaniwala sa narinig. Nakikipaghiwalay nga ba si Leo sa kanya?
Pero hindi man lang nangiti si Leo sa sanabi nya. Still lang ang expression nito. Nung tumingin si Cleo sa kanya at nagkasalubong ang mga mata nila, bigla na lang syang tumingin palayo sa mga mata ng kasintahan. “No Cleo.. I am not kidding.” Seryosong sabi nya. “I’m serious.. I want to break up with you.”
Kung kanina nawala ang pagod ni Cleo bigla, this time.. Tuluyan ng nazero alance ang enerhiya nya sa katawan. Para syang nabuhusan ng nagyeyelong tuig. Nakikipagbreak si Leo sa kanya? Matapos ang halos isang oras nilang paglalakad mula sa kanto ng lugar nina Cleo papunta sa bahay nila? Matapos mag-insist ng hinayupak na kumag na ‘to na ihahatid niya si Cleo ngayong gabi? Letsugas. Hindi ‘to pwede!
Huminga ng malalim si Cleo.. Hindi nya pa rin maisip ang mga tamang salita na dapat sabihin sa kaharap. Malamig ang gabi. Tahimik ang paligid. Bilog na bilog ang buwan.
Inasahan na nya na mangyayari ang bagay na ito. Pero hindi pa ngayon. Hello? 3 days pa lang kaya sila. Tapos break agad? Syete. Pwede wag muna? Hindi pa sya handa e! Hahahahaha
“Bakit?” tanong na lang ni Cleo na pilit paring pinapatatag ang kalooban na unti-unti ng nadudurog. Nagsimula ng mamuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Pati ang boses nya nanginginig na.. Maging ang mga tuhod nya parang gusto ng bumigay pero habang minamasdan nya ang kagwapuhan ng boyfriend nyang nakikipagbreak.. Lumalakas ang loob nya. Kinikilig pa rin kasi sya! Hahahahaha.
Tumingin si Leo sa kanya.. Makikitaan ng lungkot ang mga mata nito na tila hindi rin gusto ang ginagawa, “Hindi ko na kaya.. Masyado na akong nahihirapan! Alam ko ikaw din. Wag na nating pahirapan ang mga sarili natin. Cleo.. Let’s break up!”
“Leo naman e! bakit tayo magpapaapekto sa problema ng mga magulang natin? Hindi natin kasalanan kung bakit ganun ang nangyari sa kanila..” naiiyak na nasabi ni Cleo pero pigil pa din ang tears. Bigla tuloy syang nakaramdam ng inggit kay Frina. Buti pa daw si Frina, pinaglaban ni Ramon kay Lola Carmina.
“Cleo.. I tried everything to lessen what is too much. Pero walang nangyari.. Habang tumatagal mas lumalala ang galit nila. Nahihirapan na ang mom.. I know ganun din si Tita. Please..” pakiusap ng tinolang boyfriend nyang selfish.
Napakagat si Cleo sa labi, hindi na talaga nya alam ang gagawin o sasabihin dahil nga first time ito. Gusto na nyang umiyak. Pero hindi nya yun gagawin. Hindi sa harap ng lalaking ito. Hindi sa harap ni Leo.
“Minahal mo nga ba ako Leo?” bigla na lang nyang naitanong.
“Oo naman.. Nagdududa ka ba Cleo?”
Umiling si Cleo.. “Hindi.” Buong tigas ng mukha nyang humarap sa mukha ng lalakeng iniibig. “If this is what you really want..” wika nya. “Then be it..”
At nung gabing iyon natapos ang pag-iibigan ni Cleo at Leo. Malinaw pa rin sa alaala ni Cleo ang lahat ng naganap nung gabing iyon halos 2 taon na ang nakararaan. Naghiwalay silang magkasintahan na minsang nangako na magtitiyaga sa isa’t-isa matapos man ang kailanman.
Dalawang taon na ang nakararaan pero naaalala pa rin nya kung paanong bumaha sa bahay nila noong gabing iyon.
Bakit nga ba sila nagbreak? Ang totoo nyan.. Hindi rin ako sigurado. Pero ayon sa pagkakarinig ko.. Ganito raw yun >>
Nagbreak ang dalawa dahil na rin sa mga magulang nila. Oo. Parent-related ang case nilang dalwa. Pero hindi ito yung simpleng away ng mga magulang dahil sa socio-economic status na lamang ng isa over sa isa o di naman kaya sa laki ng kaban ng yaman nila. Ang away na ito.. May pinanghuhugutan.
Noong nasa high school pa lamang ang mga nanay nila.. (Mommy A- Cleo, Mommy B- Leo) Magbestfriends ang mga ito. Hindi mapaghiwalay ang dalawa. Minsan. Itong si Mommy A may nagustuhang guy! Si LEONARDO VERGARA. Syempre dahil dakilang bespren naman itong si Mommy B.. Sumuporta sya sa kagustuhan ng puso ni Mommy A.. Ang mapabuti ang lovelife ng kaibigan nya. Since magkasama naman sa Drama Club si Leonardo at itong si Mommy B.. Naisip ni Mommy A na mas mapapadali ang lahat.
In short naging tulay si Mommy B sa pagitan ni Mommy A at Leonardo. Ang problema.. On the process of ‘pagtulong’ nafall itong si Mommy B kay Leonardo at ang ending.. Naging si Leonardo at Mommy B! At si Mommy A? Luhaan T_____T
Mula noon nag-away na ang dalawa. Kaso wala ring nakatuluyan si Leonardo kay Mommy A o Mommy B kasi nga.. Nangibang bansa ito at wala ng narinig pa na balita mula dito.
Hindi na nga naayos pa ang dating matalik na magkaibigan. Maski nagkaroon ng sariling pamilya at nagkaanak.. Bitbit nila ang bitterness nila sa isa’t-isa at ang undying love nila kay Leonardo kaya naman nung nagkaanak sila. Pinangalan nila ito sunod sa pangalan ni Leonardo.
Si Cleo na daughter ni Mommy A at si Leo na son ni Mommy B.
Nagkakilala si Cleo at Leo. Tapos.. Naghalo ang balat sa tinalupan! Wahahahaha. Nung natuklasan ng mga magulang nila ang relasyon nila pati na rin ang family background ng isa’t-isa. Hayuuun. Todo tutol sila!
‘See my eyes…’
Nagising si Cleo sa tunog ng telepono nya. Kinusot-kusot muna nya ang mata saka tinignan ang cellphone nya na patuloy sa pagtunog.
‘Naman barabawajeo..’
[NOTE: Hindi kumakanta si Jung Yong Hwa para sa background music ng pag-gising nya. Ring tone nya ang See My Eyes.]
Tinignan nya kung sino ang herodes na tumatawag sa kanya. Naningkit ang mata at buong pagtatakang nakita ang pangalan ni Bella Padilla sa screen ng telepono nya. Kaklase nga pala nya si Bella at ang kambal nito na si Danielle sa Beauxbaton High.
“Hello?” garalgal pa ang tinig nya habang nagsasalita.
“Cleo? Cleo naririnig mo ba kami?!” sigaw ng tawag sa kabilang linya. Agad nyang nabosesan ang sumisigaw.. Hindi ito si Bella, si Danielle ito.
Nailayo ng bahagya ni Cleo ang telepono mula sa tainga. “So kailangan talaga sumisigaw? Oo. Naririnig ko kayo. Ano bang meron?” nagtataka nyang tanong, pakamot-kamot pa sa ulo.
“Anong oras na ba? Bakit wala ka pa sa school? Kanina ka pa late! Bilisan mo. Mamaya dito na si Ma’am Anna!” wika ni Danielle sa kanya.
Napabalikwas si Cleo ng marinig ang huling pangalang nabanggit. Si Ma’am Anna Manalastas! Ang pinakakinatatakutang guro sa Beauxbaton High. Kinakatakutan dahil na rin sa kakaibang paraan ng pagtuturo at pagdidisiplina sa mga estudayante. Namutla si Cleo sa takot.. Ngunit yun ay hindi dahil sa may umistorbo sa kanyang pagtulog kundi dahil sa katotohanang gumimbal sa kanya nung napatingin sya sa orasan ng kwarto nya.
7:46 na ng umaga! Late na sya sa klase ni Ma’am Anna!
“Waaaaaaaaaaaah.” Sigaw nya. “Oh sige. P-papunta na ako! Hintayin nyo ako sa gate. Sabay na tayong pumasok!” takot nyang sambit saka binaba na ang telepono para maghanda sa pagpasok.