Chapter 1

2M 29.9K 6.1K
                                    

~*~

RIEN

Padabog kong sinara ang pintuan ng principal’s office bago umupo sa sofa. Dalawang buwan pa lang ang nakakalipas nung nagsimula ang senior year pero dito agad ang bagsak ko. Hindi ko naman kasi akalaing madaling mahimatay ang ugok na iyon. Malay ko ba? Gusto akong manyakin pero pagsinuntok sa mukha agad mahihimatay? Seryoso ba iyon?

“Miss Saavedra, your actions are not tolerated in this school.Tignan mo ang ginawa mo sa kaklase mo.” Galit na bigkas ni Principal Marquez at tinuro ang mukha ng kaklase ko.

Napailing ako at napakagat labi para pigilan ang pagtawa ko. Grabe, isang suntok at sipa sa junior niya lang iyong binigay ko sa kanya pero ganyan na ang naidulot ng kanyang mukha? I must say, lumakas talaga ako ngayon.

“I’m sorry?” sarkastiko kong sabi at binigyan ang kaklase ko ng ngising panunuya.

Agad namang nagmura ang kaklase ko at susugurin na sana ako pero pinigilan agad ito ng principal. Tinaasan ako ng kilay ni Principal Marquez at mukhang sinusuri ako. Nagkibit balikat lang ako sa ginagawa niya at pinabayaan siya. Tss, mukhang patatalsikin na talaga ako dito.

Bumukas naman ang pinto ng opisina kaya nilingon ko ito at biglang napakunot ang noo. Walang kaekspresyong pumasok ng opisina ang aking ama at dinaluhan si Principal Marquez at nakipagkamayan dito.

“Why are you here dad?” pagtataka kong tanong.

“I’m transferring you to a new school.” Seryosong sagot ni dad.

Transfer me to a new school? Wait, but why? Dahil ba sa ginawa kong kalokohan ngayon? Pero palagi ko naman itong ginagawa ha? Bakit ngayon pa ako lilipat? Ga-graduate na ako pero bakit ngayon pa nila naisip na ilipat ako ng bagong paaralan?

“Oh didn’t I tell you, Miss Saavedra? You’re expelled from now on. Hurting the son of one of the board of driectors in this school is unacceptable.” sabi ni Principal Marquez.

Tumayo na ako at tumango. Agad akong lumabas ng opisina at pinasak ang dala kong earphones sa aking tainga. Kung gusto nila akong paalisin edi paalisin hindi naman ako yung tipong taong magmakaawa. Para saan pa? Wala naman akong mga kaibigan dito eh. Puro away lang ang nasasangkot ko rito.

Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ng ama ko. Napasinghap ako. Saan kaya ako nilipat ni dad? Ayaw niya kasing napapatawag sa principal’s office kapag nasasangkot ako sa gulo. Gusto niyang mamuhay ako ng normal, katulad ng mga kaklase ko. Tss, kasalanan ko ba na naging ganito ako? Iniwan ako ng minamahal ko kaya kasalanan ko bang magkaganito ako?

“You’ll be studying at Montereal Academy from now on, Rien.” kalmadong sinabi ni dad at pinagbuksan ako ng pintuan ng kanyang Trailblazer.

Tinanggal ko naman ang earphones ko at tumango. Pumasok na rin ako at umupo sa shotgun seat. Pero ang nakapagtataka ay bakit may maleta at isang bag pack sa likod nung napalingon ako sa likod. May business trip ba si dad ngayon?

“Saan ka pupunta, dad?” tanong ko nang makapasok na siya sa sasakyan.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon