~*~
Rien's Pov
"Gosh Rien, you look very beautiful!" masayang sabi ni Char at pumalakpak pa.
Andito kami ngayon sa kwarto, getting ready for the party na sinasabi nitong si Tyler. Yes may party raw dito at bilang slave niya ay ako ang ginawa niyang date. Mas okay na raw yun kaysa magfeeling ang ibang babae kapag dinate raw ng isang Tyler Montereal. Tss, kapal rin ng mukha niya noh?
Ang Black Horizon ang nagorganize ng party na to. Ang hilig din nila sa party ano? Parang tradition na rin daw kasi ito. Dahil sila ang pinakamakapangyarihan sa school eh may karapatan sila mag-host ng mga parties.
"Swerte mo kay Tyler ah, at siya pa bumili ng damit mo, hahaha." Char
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"At gusto mo magpasalamat pa ako? Look at me! Parang hindi na nga ako makahinga sa sobrang sikip ng dress ko eh." sabi ko.
"That's okay. Hihi, can't wait to see you two." sabi ni Jade.
She's referring to me and Tyler. Di ko pa ba nasasabi sa inyo na ang ex ni Tyler ay ang nangunguna sa loveteam namin dalawa? I mean kami? bagay?
That's not gonna happen. Iniisip ko nga palang eh parang nasusuka na ako.
"Tss. Shut up." Ako
*TokTokTok*
"Kyaaaaah! Andyan na siya!" tili ni Char.
Napatakip naman ako sa tainga ko. Shet lang ang ingay talaga!
"Huy! Ano pang hinihintay mo dyan! Labas na." sabi ni Jade at tinulak tulak ako papuntang pintuan.
My ghad. Hinay hinay lang sa pagtulak, ahm naka 5-inch heels ho ako!
Bigla namang binuksan ni Jade ang pintuan at bumungad sa akin ang napakagwapong nilalang na nakita ko ngayong gabi na nakasuot ng tux. Ang bango bango niya rin at ang linis tignan ng buhok niya.
"*Ehem* Tunaw na si Tyler." biglang sabat ni Jade.
Narealize ko naman na nakatulala na pala ako sa mukha ni Tyler. Shet, wrong move.
"Tss." sabi ni Tyler at bigla bigla na lang akong hinatak papalabas ng kwarto.
"Hinay hinay lang! Nakaheels po ako, jerk!" galit kong sabi.
"I don't care." sabi niya at mas binilisan niya pa ang paglakad niya kaya para akong tumatakbo, haba kaya ng mga paa ng bakulaw na to.
"Tyler!" sigaw ko pa.
Bigla naman siyang tumigil sa paghatak sa akin. Nasa harap na kasi kami ng function hall. Para siyang Ballroom o convention hall, malaki rin to eh. Buong high school body raw ang invited sa party na to. Whoah, ano nanaman kaya ang gagawin dito?
Nagulat naman ako nang biglang hawakan ni Tyler ang kamay ko.
"T-teka? Anong ginagawa----"
"You're my date right? Then act like one." sabi niya at pumasok na sa hall.
Ano raw? Date? As in yung seryosong date? Eh akala ko ba ginawa niya akong date para walang lumandi sa kanya? Eh feeling ko nga magiging body guard niya lang ako sa gabing ito dahil babantayan ko siya dahil ang raming linta sa paligid. Pero ano raw? Ako date? And I should act like one?
"Hoy, pagkatapos nito bibigay mo na sa akin ang kwintas ko diba?" tanong ko.
Tumingin naman siya ng seryoso sa akin.
"Yes, so better be on your best self. Ayaw ko ng date na hindi kaakit akit."
*Pak*
"Sh*t, what's that for Adrienne?" galit niyang tanong habang hinihimas ang batok niya.
BINABASA MO ANG
His Gangster Princess
Fiksi RemajaCompleted [REVISING 4/55] READ AT YOUR OWN RISK || The new transferee, Adrienne Xyra Saavedra, never wanted to have a complicated life. She just want to forget her past and live her life as a cool gangster. But what will happen if fate never wants h...