~*~
Rien's Pov
"Heto na ho, MASTER." sabi ko at binigay ang kanyang bag.
Ngumiti naman siya ng nakakaloko sa akin. Ugh. Dumb ass! Bakit lahat ng gusto niya sinusunod ko rin? Tanga ba ako? Pati sa pagtawag ng master eh napasunod ako. Waaah ayaw ko na talaga.
"Tss. Slave." sabi niya at kinuha na ang bag niya at pumasok na sa dorm.
What a gentleman! Ako pa ba naman ang humatid sa kanya. Wow kapal ng lalakeng to. Gulpihin ko kaya siya?!
Tumalikod naman ako at lumakad palayo kaso napatigil ako dahil tinawag ako ulit ng demonyo. Ugh. Nakakainis! Makakawala na sana ako sa kanya eh. Kill me now! Lamunin mo na ako oh lupa!
"Yo slave! Be early at the cafeteria tomorrow, okay?" sabi niya
"YES MASTER!" sigaw ko at tumakbo na palayo. Bwisit na lalake yun. Bakit naman kailangan kong gumising ng maaga para sa kanya? Tss. Eh sanay naman ako hindi kumakain sa umaga eh. Argh.
___
Bakit ang alog? May earthquake ba? Bakit parang feeling ko up and down ang motion ng kwarto ko?
Bigla naman akong napadilat kahit inaantok pa ako. Istorbo sa tulog eh. Bakit umaalog ang kama?
"Tss, tulog mantika ka pala?"
⊙_⊙
Bigla naman akong napabangon habang tinakpan ng kumot ang buo kong katawan. Shet. Nakasando at pajama shorts lang ako! Bwisit na lalake, ang bastos!
"BAKIT KA BA ANDITO HA?! HOW THE HELL----"
"Pwede ba at wag mo kong taasan ng boses? Diba sabi ko sayo gumising ka ng maaga at hintayin mo ako sa cafeteria? Oh eh anong nangyari sayo? Bakit ngayon ako pa ang gumigising sayo? Hoy, tanghali na at may klase pa tayo." sabi niya.
Tinapunan ko naman siya ng unan pero nasalo niya naman ito. Ang bilis niya ah, tsk. Sinamaan niya naman ako ng tingin pero binelatan ko lang siya.
"Sinong may sabi na puntahan mo ko dito? Tss. Lumayas ka na nga!" sabi ko.
He smirked at bigla bigla na lang hinagas ang sarili sa kama ni Jade. Oh come on, hindi niya ba alam na si Jade ang mayari ng kamang niyan? Sasabihin ko kaya? Aalis kaya siya sa kwarto? Matry nga.
"Alam mo bang si-----"
"Tutunganga ka na lang ba dyan? Uhm, malapit ng magsimula ang klase. A little bit faster slave." bored niyang sabi.
I just rolled my eyes at tumayo na sa aking kama. Nakakabwisit talaga ng araw si Tyler. Ang malas ng araw ko ngayon.
"Shut up! Hindi ako papasok ngayon. Nakakabwisit ka! Umalis ka nga dito." sabi ko.
"Shut up-in mo mukha mo. Slave kita so you do what I say!" demand niya sa akin.
"I AM NOT YOUR SLAVE! Bahala ka na sa buhay mo. Gawin mo ang gusto mong gawin sa kwintas ko basta ako hindi ako magpapaalila sa demonyong katulad mo." sabi ko at nagbuklot ng kumot sa buo kong katawan.
Tss. Kahit natatakot ako na baka itatapon niya talaga ang kwintas ko hinding hindi na talaga ako magpapaalila. Iiyak na lang ako magdamag mamayang gabi kung itatapon niya talaga ang kwintas ko.
Bigla niya namang tinanggal ang kumot sa kama ko. Bwisit! At ngayon kitang kita niya ang kinis ng balat ko. Eh Matchy matchy design ng sando at pajama shorts lang suot ko?! Ugh. Nagulat naman ako ng bigla niya ako kargahin (newly weds style) at nilabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
His Gangster Princess
Teen FictionCompleted [REVISING 4/55] READ AT YOUR OWN RISK || The new transferee, Adrienne Xyra Saavedra, never wanted to have a complicated life. She just want to forget her past and live her life as a cool gangster. But what will happen if fate never wants h...