#39: Currently Moving On

581K 11.6K 1.3K
                                    


~*~

“Ang panget mo! You don’t belong here.” Biglang sigaw ng batang lalake sa akin at tinulak ako.

Napaupo naman ako sa sahig at umiyak. Why are they bullying me? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

“You ugly creature! Get lost!” sigaw ng kasama niyang lalake.

Humagulgol na ako sa iyak at tumayo. Narinig ko namang silang nagtatawanan at inaasar pa rin ako. Tumakbo akong papuntang garden. That’s the only place where I can feel that I really belong to Montereal Academy. Dahil dun mag-isa lang ako.

Umupo ako sa isa sa mga bench sa garden at duon na umiyak. Ang sakit naman nilang magsalita lahat. Porket transferee ako gaganunin na lang nila ako. Why are they so mean to me?

“Riri?”

Pinunasan ko naman ang luha ko gamit ang likod ng aking palad at sumilip sa taong nasa harapan ko. Sumimangot naman ang aking mukha at pinigil na wag umiyak.

“Umiiyak ka nanaman?” iritado niyang tanong.

“S-sorry *sniff* kasi sila Andrew inaaway nanaman ako.” sabi ko at tumungo.

Narinig ko  naman ang pagbuntong hininga niya at umupo sa tabi ko. Nahiya ako kay Tyrence dahil siya ang palaging nagsasabi sa akin na wag magpaapekto sa mga bullies. Siya nagsasabi sa akin na dapat maging matapang at wag umiyak. Pero syempre, bata lang ako at hindi ko naman kaya iyon. I’m not like Tyrence. He’s strong. I’m not.

“Hey, stop crying you’re acting like a baby.” Sabi niya.

Pero imbes na huminto ako ay napatayo ako at tumalikod sa kanya. Hindi ko kasi mapigilan ang pagiyak ko. Bakit ba kasi iyakin ako? Hindi ba pwedeng mapagod na lang ako sa kakaiyak. Hindi ba nauubos tong luha ko?

“S-sorry, Tyrence. H-hindi ko mapigilan...*sobs*” sabi ko.

Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa magkabila kong pulso at inalis ang kamay ko sa mukha ko. Nakita ko naman ang seryosong mukha ng batang Tyrence at unti unting ngumiti.

“You look pretty when you’re crying but prettier when not so better stop okay?” sabi nya.

Bigla namang namula ang aking pisngi at mabilis na tumango. Kinuha ko naman ang panyo ko sa bulsa at pinunasan na ang aking basang muhka dulot ng luha. Tyrence, was my only friend here in Montereal Academy. Kahit hindi kami magkaklase ay palagi pa rin kaming nagkikita every dismissal o lunch time.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon