#23: Knowing the Past

647K 12.9K 1.4K
                                    

~*~

"Tyrence...."

"Tyrence.."

"Rien? Gising."

Minulat ko naman ang aking mata at bumungad sa akin ang mukha ni Dylan.

"Thank God at gising ka na!" sabi niya.

"Why am I here?" sabi ko habang nililibot ang tingin. I'm here at the hospital.

"Nakita kita kagabi sa likod ng bar. Tell me, who did this to you?"

Napahawak naman ako sa noo ko na kasalukuyang may bandage. Ah, I remember. Si Daemon Villarosa pala ang may gawa nito sa akin.

"Rien? Kilala mo ba ang gumawa sa iyo nito?"

Umiling naman ako. I don't want Dylan to be part of this. Napagtripan na nga ako ng dahil sa kakasingit ko sa buhay ni Tyler. Kaya ayaw ko na ganun rin ang mangyari sa aming dalawa ni Dylan.

"No. Napagtripan lang ata." sabi ko.

"Next time don't go out alone especially on that places." sabi niya.

Tumango naman ako.

"Oh by the way, kanina mo pa nababanggit ang pangalang Tyrence. Who's that anyway?" tanong niya.

Napaisip naman ako. Sino nga ba talaga si Tyrence? Is he the boy in my dreams? Totoo ba siya?

"I... I don't know."

"Ha? Di mo alam? Eh kanina mo pa tinatawag eh."

Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko naman talaga kilala eh but I want to find out who he really is.

"Dylan?"

"Hmm?"

"C-can you call my parents?"

"Yah sure, uhm number?" sabi niya at nilabas ang phone niya.

Sinabi ko naman ito at tinawagan na niya.

Maya maya lang ay dumating na sina mama at papa kaya lumabas muna si Dylan ng kwarto.

"Rien! Oh my god, what happened? Kagabi pa kami nagaalala sa iyo nung di ka umuwi ng bahay." mom.

Hinawakan ko naman ang isang kamay ni mom at pinisil ito.

"Mom, I'm okay. Galos lang naman eh." sabi ko.

"Look at you Adrienne Xyra Saavedra! Ng dahil sa mga pinanggagawa mo napapahamak ka na. You should stop this!" galit na sabi ni dad.

Bumangon naman ako at sumandal sa headboard ng kama.

"Dad I said I'm okay. Malayo naman sa bituka eh. Besides this is what I love at walang makakapigil sa akin."

"No. I can. Tumigil ka na sa pagiging gangter mo else----"

"Or else what dad? Transfer me to another school huh? And this time sisiguraduhin mong magbabago na ako?"

"Rien---"

"I had enough of this. Hindi ko kayo pinapunta dito para pagsabihan ako okay? Kaya ko na ang sarili ko----"

"You're just 17 for cheese's sake!" dad

"Dad naman!"

"It's true!"

Napaface palm na lang ako. Argh. I'm having a moment here tapos biglang sasabat? Ano ba yan! Kahit paminsan nagiging childish din tong papa ko eh. Bwisit.

"As I was saying, kaya ko na ang sarili ko. But I want to ask you a question na hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako."

"What's that Rien?"

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon