~*~
Tinanghali na ako sa paggising at nadatnan ko pang gumagawa ata ng project si Jade sa kanyang laptop.
"Good Morning slash afternoon sa iyo Rien! Tamang tama at kakain na tayo ng lunch!" masiglang sabi ni Jade at sinara ang kanyang laptop.
Tumango naman ako at agad bumangon. Dumaretso ako sa banyo at naligo muna ako ng mabilisan at nagbihis bago sumunod kay Jade. Sabado ngayon at kitang kita sa buong paligid ang pakalat kalat na estudyante. Ngayon, masasabi ko talagang may karangyaan rin ang mga tao rito dahil hindi naman ito katulad ng mga boarding school na alam ko. May mga style nga kung manamit ang mga tao dito kahit tanging ang academy lamang ang lugar na pwede nilang puntahan.
"May acquintance party mamayang gabi sa convention hall, Rien. Sumama ka okay?" ani ni Jade.
Tumango naman ako at sumabay na rin sa paglalakad sa kanya papuntang cafeteria pero bigla akong napahinto nang may mahagilap akong naglalakad na nakahoodie. Bigla kong naalala ang bwisit na lalakeng iyon kagabi. Biglang naginit ang ulo ko. Kailangan kong makaganti! Ang bastos bastos ng isang iyon. Nakakainis.
"Jade, mauna ka na ha." sabi ko at agad iniwan si Jade.
Hinabol ko naman ang lalakeng nakahoodie. Hindi ako nagkakamali sa nakita ko. Siya iyong nakita ko. Humanda siya sa akin at kapag nahabol ko na siya ay sasakalin ko siya hangga't sa hindi na siya masisinagan pa ng araw!
"Hoy!" sigaw ko at agad hinablot ang braso niya at pinaharap sa akin.
Aaksyon na sana akong susuntukin siya nang ma realize ko na hindi siya ang lalakeng hinahanap ko. Damn it! Mali. Akala ko siya na iyon.
"W-wag n-niyo po ako s-saktan." Takot na sabi ng lalake.
Binitawan ko na siya at tinalikuran. Kainis naman oh, akala ko magiging araw ko na ito para makaganti ulit sa lalakeng iyon. Kahit aminin kong gwapo siya ay hindi ko naman mapagkakailang nabwibwisit ako sa mukha niya. Hindi kasi katanggap tanggap ang sinabi niya sa una naming pagkikita. Tss.
Naglalakad lakad na lang ako sa hallway para sana alamin ang facilities ng paaralan nang may biglang bumangga sa akin sa likod. More of sinadya talagang banggain ako dahil ang laki laki naman ang daanan pero binangga talaga ako.
Tumalikod naman ako kung sino ang bumangga and I saw three cheerleaders looking at me and smirking. Cheerleaders kasi naka uniform pa sila. Mukhang kagagaling lang nila sa iang practice.
"Sorry." Sarkastikong ani ng babaeng nasa gitna. Lider ata nila.
"You're the new student right?" maarteng tanong ng isa.
Wow, kalat agad na may bagong transferee sa paaralang ito? Mafa-flattered ba ako dahil alam nilang andito na ako?
"And so?"
"Oh nothing, gusto lang namin ipaalam sa iyo kung sino ang in-charge dito." Ani ng lider nila at titig na titig sa akin na mukhang nagsasabing back-off-bitch-this-
BINABASA MO ANG
His Gangster Princess
Teen FictionCompleted [REVISING 4/55] READ AT YOUR OWN RISK || The new transferee, Adrienne Xyra Saavedra, never wanted to have a complicated life. She just want to forget her past and live her life as a cool gangster. But what will happen if fate never wants h...